“Medyo malayo rito ang bahay namin, Coleen. Mga isang oras na biyahe, kaya pumikit ka muna at magpahinga. Ang haggard mo na kasi. Pero nakakainggit, para kang si Tin, kahit pagod maganda pa rin,” maya-maya ay banggit sa akin ni Marie. Napangiti naman ako sa papuri niya. Ito ang kauna-unahang beses na may nagsabing magkasingganda kami ni Kristine. Alam kong malayong mas maganda ang bestfriend ko pero masaya pa rin ako sa papuring narinig ko. “Maganda ka rin naman, Marie. Kahit medyo chubby ka, ang cute-cute mo pa rin,” napataas ang kilay ko nang biglang nakisali sa usapan si Nolan. Mula sa akin ay nabaling ang tingin ni Marie. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mukha niya. “Talaga ba? Naku, pinagti-trip-an mo na naman ako, Nolan!” kunwa’y pairap na komento niya. Pero halata

