“Stay here, Coleen. I still need to rehearse my speech for later and I need you to check it,” parang balewalang sabi ni Sander at naupo sa puwestong nakalaan para sa kaniya. Natigilan ako sa paghakbang at kabadong nilingon si Kiara. Matalim ang mga matang nakatunghay ito sa akin at bakas ang galit sa mukha niya. “Didn’t you hear me, Sander? I wanted to talk to you in private,” inis na pahayag ni Kiara. Malamig lang siyang tiningnan ni Sander. “I trust, Coleen. Puwede mong sabihin lahat ng gusto mo kahit naririto siya. Huwag kang mag-alala dahil ano pa man iyang pribadong bagay na sasabihin mo ay hindi makalalabas,” kalmadong tugon ni Sander at nagsimulang likutin ang hawak niyang cellphone. Ako naman ay napako na sa kinatatayuan ko at tila maging ang mga binti ko ay tila namanhid at tako

