bc

THE BILLIONAIRE's MAFIA QUEEN

book_age18+
5.4K
FOLLOW
40.6K
READ
revenge
dark
HE
opposites attract
mafia
assistant
like
intro-logo
Blurb

EAST SIDE BALLAS SERIES 1

~~

[WARNING: R18 | SPG | MATURED CONTENT]

Isang unknown number ang tumatawag kay Maxwell, nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba ito.

"Aren't you going to answer the call?" Tanong ni Lucian habang nakatingin sa cellphone.

Hindi sumagot si Max, kinuha niya ang cellphone at sinagot.

"Hello." Nanlaki ang mga mata ni Maxwell, as the voice on the other line was familiar to him.

"It's me Frostine." Hindi na alam ng binata kung ano ang kanyang mararamdaman.

Dahil ang taong akala niya ay patay na ang kausap niya ngayon.

"F-Frostine." Nauutal niyang sabi, napatingin naman si Lucian sa kaibigan.

"I'm sorry Maxwell." Umiiyak na sabi ng dalaga, napayuko ang binata at nanatiling tahimik.

"Forgive me Maxwell, if i chose not to let you know that i am alive." Max's gripped on his cellphone tightly.

"Where are you?" Halos pabulong na tanong niya sa dalaga.

"This is not the right time Max, hindi pa ako handang magpakita sayo. Marami pa akong dapat gawin, kailangan kong ayusin ang dapat ayusin. I'm sorry Max, i hope you understand." Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata, mahigit dalawang taon na ang lumipas mula nang may masamang nangyari.

"Why? i really miss you Frostine." Huminga naman ng malalim ang dalaga.

"I'll get back to you, promise me that you'll wait for me. I love you Maxwell." Nakapikit na sabi ni Frostine, dahil hindi pasigurado kung magtatagumpay siya sa kanyang mga plano.

"I promise i'll wait for you, i love you more my queen."

_______

⚠️I'm not a professional writer so don't expect too much. This story has a lot of grammatical errors typographical errors.]

READ AT YOUR OWN RISK

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 [THE PAST: AS A DAUGHTER]
FROSTINE's POV Habang nakatali ang magkabilang kamay at paa ko, binuhusan ako ni papa ng malamig na tubig at halos manginig ako dahil sa lamig. Hindi ko natapos ang mission na binigay niya, palaging akong sinasaktan sa tuwing pumapalpak ako. Nasanay na lang ang aking katawan sa pagpapahirap niya, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa'kin, ibang klase sila. Hindi ako isang tao para sa kanila, para akong puppet na sunod-sunuran. Hindi ako pwedeng umangal o kaya naman suwayin ang kanilang utos. Dahil sa ginagawa niyang pagpapahirap sa'kin, 'yon ang naging daan para maging matatagtag ako. “Gumising ka dyan Frostine, hindi pa tayo tapos kahit kailan ang tanga-tanga mo!” Galit niyang sigaw, nanatili pa rin akong nakapikit. Parang wala na din sa akin ang mga salitang binibitawan niya, mahina lang ang nakakadama ng sakit, hindi ako ganoong klaseng babae. Ang puso ko ay mas matigas pa sa bato. “FROSTINE!” Muling tawag niya sa akin, umaalingawngaw ang boses niya sa loob ng bodega kung saan ako nakakulong simula kahapon. "Idilat mo 'yang mga mata mong putànginà ka!" Nanggigigil niyang sigaw at sinampal ako ng malakas. Hindi ko idinilat ang aking mga mata, gusto kong magpahinga, wala akong oras makipagtalo sa kanya. My father is a gangster and my mother is a well-known serial killer here in our area, no one tries to interfere with their illegal activities. Tila bulag at pipi ang mga tao dito, ayaw magsalita dahil sa takot. Pati na mga pulis ay tila mga sunod-sunoran na din sa kanila, hindi na nila pinapairal ang kanilang batas mas pinili nilang magbulag-bulagan. Minsan na akong nasangkot sa pagbebenta ng druga, nahuli ang iba kong kasama pero ako pinakawalan dahil kay papa hindi ko alam if matutuwa ako dahil do'n. Muli niya akong sinampal, tinignan ko siya nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa'kin. Kung nakakamatay lang ang mga tingin niya, kanina pa ako nakahandusay dito sa sahig. "H'wag mong ubusin ang pasensya ko Frostine! Hindi na ako natutuwa sa mga katangahang ginagawa mo, bwisit ka!" Nagkibit balikat lang ako bilang sagot, mas lalong nagdilim ang kanyang mukha. Parang wala na akong ginawang tama sa pamilyang 'to, halos isuko ko na ang aking buhay para sa kanila pero bakit ganito? Hanggang kailan nila ako itratrato ng ganito? Anak nila ako, hindi isang kawani na kailangang maging sunud-sunuran sa kanila. “May misyon akong ibibigay sayo, oras na pumalpak ka ngayon papatayin na talaga kita dahil wala kang kwenta!” Dagdag niya , ngumisi naman ako ano pa bang aasahan ko sa kanya. Siya na ata ang taong walang puso, mas demonyo pa ang lalaking to kaysa kay satanas. “Hindi pa ba umaalis yan, kailangan ng patahimikin ang taong ‘yon!” Seryoso namang sabi ni mama pagpasok niya dito sa bodega. Nakasuot siya ng pulang dress na hapit sa kanyang katawan, may kasama siyang dalawang tauhan ni papa mukhang may lakad na naman ang babaeng 'to. “H’wag mo akong tinitignan ng ganyan Frostine, dahil kahit kailan mas maganda pa rin ako sayo!” Hindi ko maiwasang umikot ang aking mata dahil sa kanyang sinabi, wala naman akong sinasabi kahit kailan talaga ang init ng dugo niya sakin. "Here, siya ang target mo ngayon bagong salta yang pulis na yan dito. Galing siya ng maynila, gusto kong makilala niya kung sino ang kanyang binabangga. H'wag mo kaming bibiguin Frostine, kung lagi kang ganyan mapipilitan kaming tanggalin ka sa grupo! I don't need a piece of trash like you, kung gusto mong magtagal dito ayusin mo ang iyong trabaho!!" Paliwanag sa akin ni papa, nakatingin lang ako sa larawan na pinakita niya. Tisoy tsk sayang gwapo pa naman, pagsisisihan mong pinapasok mo ang teritoryo namin. "Ipapahanda ko na ang mga gamit mo kay manang, mas mabuti ng nakahanda na para bibitbitin mo na lang." Nakangising sabi ni mama, bago ako talikuran. "Masyado kang excited Grania, h'wag mo akong masyadong iniisip dahil baka mamaya lalo kang tumanda." Sagot ko bago siya tuluyang makalabas. "Ang gaspang talaga ng dila mong bata ka, 'wag mo akong niyayabangan Frostine dahil wala ka pa sa kalingkingan ko, ingrown lang kita sa paa tandaan mo 'yan!" Inis na inis niyang sagot, tumawa na lang ako ng mahina habang nakatingin sa kanya. Kinalagan na ako ng ibang tauhan ni papa, agad akong pumunta sa banyo para maglinis ng katawan. Natawa ako ng mapakla dahil nakita ko na naman ang aking tattoo sa likod. Nagpa-tattoo ako para takpan lahat ng sugat na natamo ko sa tuwing may nagagawa akong mali. *FLASHBACK* "You're really worthless Frostine, you just can't do a simple mission!! The mayor's daughter is already in front of you, but what did you do? You let it get away, what stupidity is that Frostine!? Simple lang naman ang pinapagawa ko sayo, nagkaroon ka ng pagkakataon na barilin siya pero wala kang nagawa! you're absolutely useless!!" Galit na sigaw sa'kin ni papa, sabay hampas ng latigo sa aking likod. Halos mapasigaw ako sa sobrang sakit. "Patawad papa, hindi ko na po uulitin. Pangako po babawi ako sa susunod." Lalong nagdilim ang kanyang mukha at walang sabi-sabing hinampas niya ulit ako. Napaluhod ako sa sahig, nanginginig ang buong katawan ko. I feel like I'm going to die, ito ang pinakamatinding parusa na natanggap ko mula sa kanya. "Sawang-sawa na akong marinig 'yang pangako mo, sana hinayaan na lang kita total wala ka namang silbi!" Muling sigaw niya, halos mabingi na ako dahil sa lakas ng kanyang boses. Binigyan niya ako ng misyon pero hindi ko nagawa ng maayos. Ito ang unang misyon na kailangang kong gawin, dapat kong patayin ang anak ng kalaban ni papa na nagkataong kaklase ko. Gagawin ko na sana kaso may dumating para sunduin siya, I thought it would be fine but it wasn't. If I had known that this would happen, harap-harapan ko na siyang pinatay kanina. Sinampal niya ako ng paulit-ulit, wala akong ginawa kundi ang umiyak. Bakit kapag ako ang nagkakamali, may parusa pero sila wala ayos lang sa kanya. Bakit ang unfair ng mundo. "Dapat lang sayo 'yan para madala ka, ginusto mo ito di ba? You want to be strong like me, dapat h'wag kang maging mahina kulang pa yang sakit na nararamdaman mo para matuto!" Sigaw niya ulit bago sunod sunod na hinampas ng latigo ang likod ko. Hindi lang ako sumigaw at umiyak, halos magmakaawa ako sa kanya na tumigil siya pero parang walang naririnig si papa. Puno ng galit ang kanyang mga mata, wala akong makitang pagsisisi o anumang awa. "Tama na po papa, hindi ko na kaya, pakiusap." Halos pabulong kong sabi, isang malakas na tawa lang ang kanyang sinagot. "Nagsisisi ka na bang maging isang gangster? Magsalita ka Frostine!!" Hindi na ako makapagsalita, dahil sa matinding pag-iyak. I want to yell and curse at him but my body can't take it anymore. Namamanhid na 'to wala na akong maramdaman. Gusto ko lang namang maging proud sila sa'kin, gusto kong ipagmalaki din nila ako katulad ng kung paano nila ipagmalaki ang isa nilang kasamahan. Bakit parang wala lang ako sa kanila? Bakit hindi ko maramdama na anak nila ako? Bakit kailangan kong makaranas ng ganito para makuha ang atensyon nila, Bakit? "Magsalita ka Frostine!!" Halos mabingi ako sa malakas na boses ng aking ama. Nagsisisi akong kayo ang naging magulang ko, masama bang maging masaya at maramdaman man lang ang pagmamahal niyo. Gusto kong isigaw 'yan sa kanya pero hindi ko magawa, wala akong silbi dahil mahina lang ako. Bakit kailangan ko pang may mapatunayan para maging isang anak niyo? Gusto ko ng masayang pamilya katulad ng aking mga kaklase. Ngunit ang mga magulang na kinalakihan ko ay mga mamamatay-tao. Bakit naging ganito ang aking tadhana? "H-hindi ako susuko…papa." Mahinang sabi ko bago tuluyang nagdilim ang aking paningin. TAHIMIK akong kumakain sa mahabang mesa, habang may mga katulong na nakahilira sa gilid ng dining area. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari simula no'ng araw na 'yun. Because when i woke up i was already in my room, Manang Flor was treating my wounds. Wala din siyang nababanggit sa akin tungkol sa nangyari. "Bilisan mong kumain dyan, h'wag kang buhay prinsesa. Go to Robert's office because he's going to give you a mission!" Mataray na sabi ni mama pagpasok niya ng dining area. Umupo na siya sa kanyang upuan, agad siyang pinaghandaan ng pagkain. Sino kaya ang buhay prinsesa sa aming dalawa, kulang na lang pati pagligo niya kasama katulong. "Hanggang kailan ka magiging mahina, sayang naman ang pagod ko na tinuruan ka. Nakakahiya kang babae nasaan na ang tapang mo? Umatras dahil natatakot ka? tsk! Walang kwenta!" Mahabang sermon niya sa akin, hindi man lang ako kinamusta sabagay wala naman ng bago do'n. "I'm sorry mama." Yan na lang ang nasabi ko, bago tumayo sa pagkakaupo. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago nagpatuloy sa pagkain. Lumakad na'ko palabas ng dining area, gaya ng sabi ni mama pumunta ako sa office ni papa dito sa bahay. Binuksan ni Vector ang pintuan, kaya pumasok na ako sa loob nadatnan ko siyang nagbabasa. "Buti naman at nagising kana, may misyon akong ibibigay sayo. Sana naman h'wag ka ng pumalpak, sa iba ko na pinagawa ang una mong mission. Walang magandang mangyayari kung hihintayin kitang magising." Nanatili lang akong tahimik, ang ganda ng bungad nila sa akin puro sermon. "Siya ang mission mo ngayon anak ni mayor, masyadong madaldal ang matandang iyon. Kailangan ko siyang bigyan ng babala, wala akong pakialam kung patay o buhay pa siya, ikaw ang bahala!" Seryosong sabi niya sabay hagis ng brown envelope, pinulot ko ito at tinignan ang laman. Isa na naman sa mga kaklase ko, isa din siya sa mga bully sa pinapasukan kong paaralan. Pagkatapos naming magusap ni papa, nagpahatid na ako sa driver namin. Pagbaba ko palang ng sasakyan ay agad nila akong pinagtitinginan. Wala pa ring nagbago, mapanghusga pa rin silang lahat. Dahil sa nangyari sa akin isang buwan akong hindi nakapasok sa paaralan. My teachers don't care about me, they'd rather not have me because they get scared when i'm around. "Bakit pa siya pumasok, hindi dapat dito nag-aaral ang anak ng isang gangster na katulad niya." Narinig kong sabi ng isang kaklase ko, nagmistula akong bingi hindi ko dapat pinapatulan ang kagaya niya. Natapos ang klase naming hindi man lang ako kinausap ng mga teacher. Katulad ng dati ay kumakain akong mag-isa, walang nagtangkang makipagkaibigan sa akin. Mas mabuti ng ganito, walang mapapahamak dahil sa'kin. "Anak siya ng killer 'di ba? Nabalitaan niyo na ba may pinatay na naman. Grabe wala talaga silang puso, hindi na ako magtataka kung isang araw ay matulad na siya sa kanyang ina." Humigpit ang hawak ko sa kutsara, why are they interfering in my life? Hindi na lang sila tumahimik. "Bakit nag-aaral pa siya nagsasayang lang oras ganon? Dapat hindi na if magiging katulad siya ng mga magulang niya. Nakakatakot sila, mga katulad nila ang dapat patayin, not innocent people tsk." Hindi ko na matiis ang mga sinasabi nila sa akin, anong inosenteng pinagsasabi ng babaeng ito. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa table nila. “May problema ba?” Mataray na tanong niya sa akin, tiningnan ko lang siya ng malamig. "I'm not afraid of someone like you, you should be afraid of me because i'm the Mayor's daughter." Gusto kong matawa dahil sa kanyang sinabi, ano bang pakialam ko kung anak siya ni Mayor. "Should i really be afraid of you? As far as I know, ang isang mamamatay-tao, hindi mahalaga kung anong estado ng buhay meron ang kanyang papatayin. Even if he is the president of the Philippines, if he needs to kill, he will!" Malamig kong sagot, nakita ko ang kanyang paglunok ng sariling laway. Napangisi na lamang ako bago sila iwanan, akala naman niya sobrang linis ng kanyang ama. Paglabas ko ng cafeteria, may lumapit sa akin na tatlong lalaki. Alam kong mga tauhan sila ni papa dahil nakikita ko sila sa bahay. "Fros, may utos si Boss na kailangan mong tapusin ang misyon mo ngayon." Seryoso at alamig niyang sabi sakin, tumango lang ako bilang sagot bago muling naglakad. Nagtungo ako sa classroom namin, nadatnan ko ang iba kong mga kaklase. Tinapunan lang nila ako ng masamang tingin, tinignan ko din sila ng malamig. Tahimik akong umupo sa aking upuan, maya-maya lang ay dumating na ang iba pa naming kaklase. Ngumisi ako ng makita ko siya, nabibilang na ang oras mo dapat ini-enjoy muna. AFTER our class was over, i was the first to leave the classroom. Hihintayin ko siya kung saan palaging sinusundo, sana wala pang ibang estudyante para matapos na ang mission. Agad akong nagtago sa may mataas na halaman. Isinuot ko ang hand silicone, sinusuot ko ito kapag may hawak akong baril kaya walang ebidensya. Napangisi ako nang makita ko ang silent gun na binigay sa'kin ni papa. Naghintay din ako ng ilang minuto bago siya dumating, napatingin ako sa kanya habang busy siya sa pagpindot sa cellphone niya. Wala pa ang kanyang sundo tamang-tama, i landed on the grass and put the gun in the plant. Sumilip muna ako sa butas at pinakiramdaman ko muna ang paligid, naka-cellphone pa rin siya, magpaalam ka sa kausap dahil kailangan mo ng magpahinga. Kinalabit ko na ang gatilyo ng baril, tumama ang bala sa kanyang ulo. Kitang-kita ko kung paano siya bumagsak at sumirit ang dugo sa paligid. "Sana matuwa si mayor." Malamig kong sabi at tumawa ng mahina. Inayos ko muna ang gamit ko bago umalis, hindi pa ako nakakalayo ng may narinig akong sumigaw. "Sayang nahuli 'yung nakakita, kung maaga-aga lang sana siya pareho silang nakahandusay ngayon." Sabi ng aking isipan, tahimik lang ako ano kaya ang susunod kong mission. "I hope papa will be happy too, because you did your mission well. I'm sure he'll give you a new mission, you'll have to work hard." Masayang sabi niya, napapikit ako ng mariin. "Shut up! No matter what I do they won't accept me, so shut up!" Halos pabulong kong sagot. Habang naglalakad ako pauwi may humintong sasakyan sa harapan ko. Hindi pamilyar sa akin ang sasakyan, lumabas ang isang lalaki na medyo may edad na. "Frostine Sevidal?" Seryoso niyang tawag sa akin, tinaasan ko naman siya ng kilay. "Sumama ka sa'kin." Naningkit ang mga mata ko, bakit ako sasama sa kanya? "Anong kailangan mo? Bakit naman ako sasama sayo?" Malamig kong tanong, ngayon ko nga lang siya nakita. "I'm not the one who needs you, if you want to know come with me." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan. Nagkibit balikat naman ako bago sumakay. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ng lalaking ito, siguro isa sa mga kaibigan ni papa baka may ipapagawa sa'kin. "Walang duda, kamukha mo siya. Siguradong matutuwa si boss kapag nakita ka niya." Masaya niyang sabi, napakunot na lang ako ng noo dahil hindi ko siya maintindihan. Ngumiti muna siya sa akin bago may pinindot, may naamoy akong mabango pero maya-maya pa ay nakakaramdam na ako ng antok. Hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang aking paningin. ITUTULOY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook