Si Maxwell ay hawak ng dalawang armadong lalaki, habang pumapasok sa isang abandonadong bahay. Kanina pa nagpupumiglas ang binata, halos manghina na ito dahil sa pagkakasuntok kanina sa kanyang tiyan. "Ikulong ‘yan sa kwarto hintayin natin sila boss.” Utos ng pinakapinuno nila. Hindi makapagsalita ang binata dahil may nakataling panyo sa kanyang bibig. Muling hinila si Maxwell, pumasok sila sa kwarto kung saan siya ikukulong, pinaupo sa isang upuan at itinali ang magkabilang kamay at paa. Muling nagpumiglas ang binata para hindi matali ng maayos. Isang malakas na suntok na naman sa tiyan ang natanggap niya. Halos mapaungol si Maxwell, nag-igting ang kanyang panga sa galit. Nasaan ka na Kristina, wala talaga akong mapapala sa’yo! Kapag malaman kong kasabwat ka ng mga ‘to papatayin kita!

