MABILIS NA LUMIPAS ANG ARAW, pagkatapos maipakilala si Frostine sa board, mayroon siyang ibang bagay na dapat harapin. Ang pag-upo sa trono ng kanyang ama, walang ibang papalit kundi siya. Ngayon pa lang ay iniisip na niya kung paano hahatiin ang kanyang oras, ang pagiging ina at negosyante pati na rin ang pagiging leader ng isang mafia. Ang isa pa niyang problema, hindi pa nasasabi ng dalaga tungkol sa kanyang split personality. Ipinagpapasalamat na lang niya kahit papaano, hindi na siya madalas sinusumpong, kung lalabas man ay hindi halatang iba ang kanyang katauhan. Inayos ng dalaga ang suot niyang black dress, may isinukbit siyang baril sa kanyang hita. Mas mabuti na yung nakahanda siya, pupunta sila sa isang pagtitipon baka may dumating na mga kalaban. Napatingin siya sa pintuan ng

