BAGO pa tuluyang makapasok si Frostine, hinarang na siya ng dalawang lalaking nagbabantay. Malamig ang tingin niya sa mga ito. Nakaramdam ng takot ang dalawa, dahil walang emosyon sa mukha ni Frostine. “Do you have an invitation card, Miss?” Tanong ng isang lalaki, binigay ni Mang Ben ang black card na hawak niya. Binuksan iyon ng lalaki, nandoon ang litrato at pangalan ni Frostine. Tumingin ito sa dalaga, nakaramdam naman ng pagkairita si Frostine. “Frostine Carrasco?” Patanong nitong tawag, blangko ang mukha ng dalaga nang tumingin sa kanya. Mas lalong nagpatindig sa mga balahibo ng lalaki sa katawan. Parang may malamig na hangin na gumagapang sa buong katawan niya. "Is there something wrong?" Malamig at seryosong tanong ng dalaga, agad naman itong umiling bilang tugon. "You've bothe

