*THIRD PERSON's POV* ANG KATAWAN ni Mr. Fukuda ay tuluyan ng nanghihina, pangunahin na dahil sa kanyang pagtanda. Inalalayan siya ni Butler Ogami sa pagbangon mula sa kanyang kama. "Ano ng balita sa mag-ama?" Malamig na tanong ng ginoo. "Nahanap ko na sila kung saan sila nakatira, nanganak na si Frostine babae ang anak niya." Seryosong sagot ni Butler Ogami. "Patahimikin muna ang mga taong binayaran ko. Gusto kong makausap ang mag-ama, aayusin ko ang alitan namin. Pahina na ng pahina ang aking katawan. Pakiramdam ko ay hindi na ako magtatagal." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa malayo. "Kaya pa ba ng katawan mong sumakay ng kotse? Hindi ka pwedeng mapagod, yan ang bilin sa'yo ng doctor." Paalala ng ginoo sa kanyang boss. "Wala akong pakialam Ogami, basta kailangan kong makaus

