NAKATINGIN si Frostine sa paligid, marami ng mga sasakyang nakaparada. Kahit anong baliwala niya sa kabang nararamdaman, lalo lang siyang kinakabahan. Nang huminto ang sasakyan ay may lumapit na men in black. Binuksan niya 'yung pinto lumabas si Maxwell, kasunod ng dalagang blangko ang mukha. Kumapit siya sa braso ni Maxwell, lahat ng reporters ay napatingin sa kanila. Lalapitan na sana sila, pero hinarang agad ang ibang tauhan ni Mr. Merced. "Si Mr Hermida 'yun diba? Sino 'yung kasama niyang babae?" "Bagong girlfriend niya kaya 'yun?" "Ang bilis niya namang pinalitan si Eualie." "But inferness, her new one is more beautiful than Eualie." "Kanino kayang anak 'yan, siguro kilala din na pamilya." "Malamang, isang Maxwell Hermida papatol sa sino-sino lang mag-isip ka naman girl." Nap

