*MAXWELL's POV* PAGKATAPOS ng aming pag-uusap sa East Side Ballas HeadQuarter. Nagpasya kaming magtungo sa isang bar. Walang ginawa si Frostine kundi pumutak ng pumutak. Kanina pa siya nagrereklamo sa amin, dahil gusto na niyang umuwi pero hindi pinapakinggan ni Lucian. Napapangisi na lamang ako, dahil hindi talaga siya mahilig magparty-party. Hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi niyang pati si Frostine ay may gustong pumatay sa kanya. Bakit kailangan nilang inadamay si Frostine, ito na ang sinasabi ko lalo na’t hindi pa namin alam kung sino ‘yung gustong pumatay sa kanya. "Kung ayaw mo akong ihatid, si Liam nalang ang maghahatid sa akin!" Muling reklamo niya habang nagpapadyak ng kanyang paa. Nasa passenger seat siya kami ni Liam nandito sa back seat. "Hindi ka ihahatid ni Liam, min

