HINDI narinig ng dalaga ang pagtawag sa kanya ni Lucian, dahil abala ito sa pakikipag-barilan sa kanilang mga kalaban.Sunud-sunod na nagpaputok ang mga tauhan ni Marcus, kaya muli silang nagtago upang maiwasang tamaan ng bala. “Frostine, naririnig mo ba ako? Nakita ko si Robert kasama ang ilan pang mga tauhan ni Marcus!” Seryosong sabi ni Lucian habang tumatakbo, walang naririnig si Frostine nakafocus lang ito sa mga kalaban. Dahil wala siyang iniisip ngayon kundi ang makaalis na. "Frostine isn't answering, where are you guys? Nandito si Robert mukhang may binabalak siya!" Naiinis na sabi ni Lucian kina Liam at Maxwell. "Kailangan mo ng ilayo si Frostine dyan! Hindi siya pwedeng makita ni Robert!" Seryosong sagot ni Liam, bago mas binilisan ang pagpapatakbo. Seryoso ang mukha ni Frosti

