FROSTINE's POV DALAWANG araw na kaming nandito lang sa bahay nila, wala pa ang kanyang ina nasa ibang bansa ito. Mabuti na lang talaga wala siya, kundi lalong maghihinala si Maxwell sa akin. Hindi ko na rin muling nakita 'yung espasol niyang girlfriend, mas mabuti na ‘yon baka lalo lang kaming mag-away na dalawa. May nalalaman pa siyang, Be careful what you say b!tch! Who are you to talk to me like that, don’t you know that my daddy is a mafia boss? Che! Ipinagyayabang niya ‘yon, kung mafia boss ang tatay niya bakit hindi na lang siya ‘yung magbantay kay Maxwell, di ba? “Ang boring naman dito!” Mahina kong bulong, ang sakit na ng pwet ko kakaupo at tayo nakakangalay. Muli akong tumayo sa aking kinauupuan, nandito kami sa library kasama ko si Monksfish. I'm getting bored here. Hindi ko

