KUMATOK ng tatlong beses si Lucian, bago buksan ang pinto ng Opisina ni Mr. Merced. Susubukan niyang magpaalam sa ginoo, sana lang ay payagan siyang makabalik ng Pilipinas. Napatingin si Mr. Merced sa binata, walang ekspresyon ang kanyang mukha. Hindi maiwasan ni Lucian na makaramdam ng kaba. "Mr. Merced, can we talk?" Tumigil sa pagpirma ang ginoo at mas naging seryoso. Sumandal siya sa kanyang swivel chair bago nagsalita. "Ano ang pag-uusapan natin? Importante ba 'yan? Nakikita mo naman siguro marami akong dapat tapusin." Malamig na sagot ni Mr. Merced sa binata. Huminga siya ng mamalim para mabawasan ang kanyan kaba. "Saglit lang po 'to Mr Merced, may gusto lang akong sasabihin. Magpapaalam sana akong, kung maari ay babalik na ako sa pilipinas. Buntis kasi ang girlfriend ko, kialanga

