SIMULA nang umuwi si Augustus sa Japan, naging abala na siya dahil inaasiako niya ang lahat. Halos sa opisina na natutulog ang ginoo, inaayos ni Augustus lahat ng kanyang ipapamana sa dalaga. Maging si Gideon naging abala rin, dahil siya ang nag-aasikaso lahat ng kailangan ni Augustus. Kaya siya sumama dito sa Japan, ayaw niyang malaman ng iba kung sino talaga si Frostine. "So, kailan mo gustong malaman ni Frostine ang lahat? Pinaghahandaan muna ang kanyang mamanahin, pero siya wala pang alam. Huwag mong sayangin ang oras Augustus." Tanong ni Gideon habang nakatingin sa kaibigan na abala sa pagpirma ng mga papeles. Almost two weeks na sila dito sa Japan, pero walang nababanggit si Augustus tungkol sa plano niya kay Frostine. "Buntis si Frostine, kailangan alamin muna natin ang kalagay

