Pag-uwi nila mula sa mansyon ay agad na pumunta si Frostine sa kanyang kwarto. Habang ang binata ay pumunta sa opisina ng ama. "Dad, can we talk?" Seryoso niyang sabi pagpasok sa loob. "Where's Frostine?" Tanong ng ginoo. "Umakyat na sa kanyang silid, actually we will talk about her." Agad niyang sinagot sa ama, umupo muna ito bago muling nagsalita. "Napansin ko kanina, noong nalaman niyang si Max ang kanyang mission bigla nagbago ang pinta ng mukha niya." Tumawa si Mr Gideon, na naging dahilan para mas maging curious si Lucian. "Hindi pa ba nasasabi sa iyo ni Liam? May nakaraan sina Frostine at Maxwell. Naalala mo ba noong ipinadala siya sa pangasinan at nangaral doon ng isang taon? Nakilala niya si Frostine, nagustuhan siya ni Maxwell. hanggang sa nalaman ng mga babaeng may gusto k

