*FROSTINE's POV* KAHIT LIMANG buwan na ang lumipas, sariwa pa rin sa akin ang nangyaring pagkawala ng aking anak. Kahit alam ko na ang totoo, kung bakit siya nawala, hindi ko pa rin matanggap sobrang bigat sa pakiramdam. Dahil kahit ano palang pag aalaga ko sa kanila noon, isa pala sa kanila ang mawawala. Nakain niya ang kanyang tae, isa sa naging dahilan kung bakit siya namatay. Sinabihan ako, buti at nailabas ko siya, dahil pareho kaming nasa panganib noon. Pinipilit kong maging matatag dahil may isa pa akong anak. Ang prinsesa ko, nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaano ay wala siyang sakit. Siya ang dahilan kung bakit nawala ang pagod ko, kung bakit patuloy akong lumalaban hanggang ngayon. Napatingin ako sa pinto ng opsina dahil bumukas ito. Si mama dala si MM kakapaligo lang

