chapter 36

1287 Words

Sa kabila nang maya-mayang pagkairita ko ay matiwasay na natapos ang dinner namin kasama si Ate Lirah. Hindi ako nagsasalita buong durasyon at tanging sila lang ni Calix at Ate Lirah ang nag-uusap ng kung anu-ano at nakikinig lang ako. Nakuntento ako sa pakikinig habang nag-uusap sila dahil asikasong-asikaso naman ako ni Calix habang kumakain. Nang magpaalam nang umalis ni Ate Lirah ay di ko mapigilang uminit ulit ang ulo ko. Sinabihan kasi ito ni Calix na pwedeng bumisita kahit anong oras. Hindi man lang ako kinonsulta at nagdesisyon siyang mag-isa! "May nagawa na naman akong mali batay sa matalim mong titig sa'kin simula pa kaninang umalis iyong kapatid mo," umiikot ang matang komento ni Calix habang pareho kaming naghahanda sa pagtulog. "Buti alam mo!" pairap kong sagot. Narinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD