Aaminin ko, ang sarap sa pakiramdam nang ganito. Nakaupo ako habang pinapanood ang asawa ko na nagluluto ng dinner namin. Parang... totoong pamilya na talaga kami. Pinigil kong mapahawak sa tapat ng puso nang bigla itong kumabog nang malakas dahil sa tumatakbo sa isipan ko. Isang reyalisasyon ang bigla kong napagtanto habang nakasunod sa bawat kilos ni Calix ang buo kong atensiyon. Oh gosh, I'm falling for my husband! Wala sa sarili akong napalunok at mahigpit na napakapit sa gilid ng counter dahil pakiramdam ko ay biglang umikot ang paligid at babagsak ako bigla mula sa kinauupuan. Sunud-sunod ang mga katanungan na biglang nagsalimbuyan sa isipan ko. Paanong nangyari ito? Kailan nagsimula? Am I crazy? "Okay ka lang?" Napakurap-kurap ako nang bigla ay nakatunggay na sa'kin si

