chapter 34

1785 Words

Wala na ang init ng ulo ko matapos ang pinagsaluhan namin ni Calix sa parking lot. Sino ba naman ang may matitira pang lakas para magalit gayong ako iyong kailangang mas gumalaw kanina. Hindi lang iyon basta-bastang paggalaw kasi kailangan kong bilisan dahil nanganganib kaming mahuli sa nakakaeskandalong tagpong iyon kung babagal-bagal ako. Ilang minuto lang ang binyahe namin bago kami nakauwi. Pagdating sa bahay ay nasa garahe na iyong tatlo kong sasakyan na pinaasikaso ko kanina sa assistant kong si Lucy upang ipadala rito sa bagong bahay namin ni Calix. "May bisita ba tayo?" takang tanong ni Calix matapos akong pagbuksan ng pinto habang napasulyap sa tatlong sasakyang nadatnan namin. Medyo masakit pa ang balakang ko at medyo namamamnhid pa iyong mga hita ko kaya tinanggap ko a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD