"Is that, Vanna?" Naikuyom ko ang mga kamao at mariing naipikit saglit ang mga mata bago marahas na napabuga ng hangin. After Vanna, here comes Ate Lirah. My gosh, mauubusan ako ng enerhiya kakaharap sa mga babaeng umaali-aligid sa asawa ko! Ang hirap din pala makapag-asawa ng sobrang gwapo... nakaka-paranoid na talaga! Kinalma ko muna ang sarili bago nilingon si Ate Lirah at binigyan ito ng pormal na ngiti. Mula sa papalayong likod ni Vanna ay dumako sa'kin ang atensiyon niya. "Are you here for Calix?" muli niyang tanong. Di ko na binigyang pansin ang nauna niyang tanong dahil halata namang wala roon ang interes niya. "Yes, I am here for my husband," sagot ko at binigyang diin ang huling salita. "Is he free?" dagdag kong tanong. "He's with Daddy, they're discussing something b

