Ilang araw matapos akong dalawin ni Ate Lirah sa opisina ay bigla isa na namang di inaasahang bisita ang biglang sumulpot. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatayo ngayon si Vonn sa aking harapan dito mismo sa loob ng sarili kong opisina. Akala ko ay iyong hinihintay kong files mula sa finance ang dumating nang may kumatok pero nagulantang ako nang mag-angat ako ng mukha mula sa kasalukuyang ginagawa ay siya ang bumungad sa'kin. Maging iyong assistant ko at secretary ay nabigla rin sa bigla niyang pagsulpot habang nasa gitna kami ng pag-uusap tungkol sa mga bagong desinyo na pinasa ng design team ng kompanya ko para sa susunod naming proyekto. "Well, hello... what can I do for you?" bati ko nang makabawi mula sa pagkagulat. Sinenyasan ko si Lucy na tapusin nila ni Joan

