After my business meeting dumiretso ako sa apartment ni Deanne to check her up if she’s okay. Nag-alala talaga ako sa kaniya kanina kasi napansin kong namumutla at nanghihina siya pinipilit lamang nito ang sarili upang magtrabaho. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya sa opisina, akala niya siguro ay hindi ko iyon mapapansin. I was worried sick knowing that she’s not feeling well. Namumula rin ang kaniyang mukha kanina noong nasa sasakyan kami at napapansin ko ang ngiting sumisilay sa kaniyang labi. Sabi ko hindi na ako babalik sa maalinsangan, madumi at masikip na lugar nila ngunit nagbago ang ihip ng hangin. Tipong gusto ko siyang makita palagi at ayaw ko siyang mawala sa aking paningin. Hindi ko alam kung bakit but there is something inside of me that I want to know her more. Kumatok a

