Totoong nasaktan ako dahil hindi man lang niya ako ipinagtanggol ngunit naalala ko, bakit niya ako ipagtatanggol, hindi naman ako ang mahal niya? Bakit niya ako ipagtatanggol kung pagpapanggap lang naman ang lahat sa amin. Namamaga ang aking mata na lumabas sa restroom at nanghihinang nagtungo sa aking lamesa para ipagpatuloy ang aking pagtratrabaho. Nararamdaman ko ang pagkirot ng aking ulo dulot na nabasa ako nang ulan kagabi. Hinilot ko na lamang ang aking sentido at tumunog naman ang intercom. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito o hindi. Baka sigawan o tanggalin niya ako sa trabaho dahil sa pag walkout ko kanina. Sa huli, sinagot ko pa rin ito kahit nanginginig ang aking kamay at nanghihina. “Deanne I want my coffee, again.” Agad naman akong nagtungo sa pantry para ipa

