bc

AUGUST JAMESON CHAVEZ

book_age18+
1.8K
FOLLOW
15.5K
READ
second chance
powerful
brave
student
sweet
bxg
first love
rejected
engineer
passionate
like
intro-logo
Blurb

Chelseah and Gus' story (SPG)

Ellise Chelseah Bennett is known for her fierce, elegant and stunning beauty. Every man will go crazy about her at school. She can tame every man, but there's one person she can't tame. August Jameson Chavez is very different.

But she would do everything for him. She'll make sure that he'll fall for her hard. She's willing to wait for him because she loves him so much.

She jumped, then fell in love. She jumped at the chance to fall in love with him, not realizing that the more she fell for him, the more she was hurting.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Malakas ang hangin habang nakatingin ako mula sa malayo. Ramdam ko ang dalawang pares na mata na nakatingin sa'kin mula sa gilid ng mata ko. Napalunok ako habang malakas ang kabog ng puso ko. Inayos ko ang mahabang buhok na sumasabay sa malakas na hangin at tinuon ang tingin sa mga taong naghihintay sa amin sa dalampasigan. Maraming tao roon at habang palapit kami nang palapit sa dalampasigan, mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko. Idagdag mo pa ang dalawang pares na mata na hindi natinag ang tingin sa'kin. Huminga ako ng malalim bago kinagat ang pang-ibabang labi. "Chelseah!" agad na lumapit sa'kin si Yohan at mahigit akong niyakap. "are you okay?" he asked when he pulled away. "I was so worried about you!" Nakatingin lang ako sa kanya bago napalunok muli. Nasa kanya ang mga mata ko ngunit sa nasa iba ang atensyon ko. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko Kreselle na nilapitan si Gus. Dahan-dahan akong tumango. "Y-yeah... I'm fine," mahinang sagot ko sa kanya. "Halos mabaliw ako ng tatlong araw na nawala ka!" ramdam ko ang pag-alala sa boses niya. "ang sabi sa'kin naabutan kayo ng bagyo sa Isla Anton. I was so scared," he whispered and kissed my forehead. "I thought I was going to lose you." "I-I'm fine, Yohan," sambit kong muli. "That's good to know," tugon niya bago tumingin kay Gus. "thank you Gus sa pag-alaga kay Chelseah habang nandoon kayo." Nagtaas ako ng tingin at ang una kong nakita ay ang berde niyang mga mata. I looked away when our gazed met because his stares sent shivers down to my spine. "'Yon naman talaga ang gagawin ko sa kahit sinong tao lalo na kung ma-stranded kami sa isang Isla," magalang na sagot niya. Buong-buo ang boses niya. Pero hindi ko mapigilan na umikot ang mata dahil sa sinabi niya. Unti-unti nakaramdam ako ng galit at inis dahil sa sinabi niya. But what do I have to expect from him? He's always like that! He's always caring and thoughtful sa lahat ng tao na nakakasalamuha niya. At iyon ang mas kinaiinisan ko. "Yeah. Thank you again dahil kung wala ka roon baka kung ano nang nangyari kay Chelseah." "Gus, we should get inside," rinig kong sambit ni Kreselle na mas kinainisan ko pa lalo. "basa ka. Maligo ka muna sa kwarto." Palihim na umikot ang mata ko bago nagtaas ng tingin sa kanya. Nakita ko siyang tumingin sa'kin bago napalunok. Nakaawang ang labi niya habang nakatingin sa'kin. Tila ba nagpapaalam pa sa'kin. I just secretly rolled my eyes and looked away again. "I'll just change my clothes," mariin na sambit ko bago naglakad palayo sa kanila. "Someone's jealous," hindi pa nakatakas sa'kin ang mga salitang binitawan ni Daniella. Agad akong huminto at tumingin sa kanya. "Shut up!" Ngumisi lang siya kaya mas lalo akong nairita sa kanya. Nagmamartsa akong papasok sa hotel dito sa Baryo Maligaya at pumunta sa unit ko para maligo. Tumingala ako sa shower habang patuloy ang paggdaloy ng tubig sa katawan ko. I took a deep sighed as I remembered what happened to that Island. I was with him for three day. For the past four years, doon ko lang ulit siya nakasama nang ganoong katagal. Doon ko lang siya sa Isla na 'yon nakausap pagkatapos ng apat na taon na nangyari. Tatlong araw ko lang siya nakasama pagkatapos ng apat na taon pero grabe ang ginagawa nito sa katawan ko. Grabe na naman ang epekto nito sa'kin. Or maybe because it was him. Na ganito talaga ang epekto niya sa'kin mula noon hanggang ngayon. Para bang lahat bumalik sa'kin. Everything that we had came back then. Kahit na hindi ko alam kung mayroon bang 'kami' noon dahil ang alam ko, ako lang nagbigay ng mga malisya sa relasyon namin noon. Bumuntong hininga ako. This is the reason why I hate being near to him! Iba ang ginagawa ng prensensya niya sa katawan ko and I hate it because that was the reason why I ended up hurting! After I took a bath, agad akong nagpalit ng damit at humiga sa kama ko. Wala akong gana na lumabas sa kwarto ko. I just want to be alone today. Nakatingin ako mula sa kisame nang marinig ko ang malakas na tunog ng cellphone ko. Agad kong kinuha ito at nakita ang pangalan ni Yohan. Muli akong napabuntong hininga bago sinagot ang tawag niya. "Yes, Yohan?" "You're already in your room?" "Yes. Why?" "Nothing," mahinang wika niya. "I just want to be sure that you're okay." Napahilot ako sa sintido ko. "I am fine, Yohan," sagot ko. "I just want to rest." Hindi siya nakapagsalita agad pero narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Good night then, Chelseah," marahan na sambit niya. "Hmm… ikaw din matulog ka na." "Later." Pinatay ko ang tawag at muling humiga sa kama. Dahil na rin siguro sa pagod ay mabilis akong nakatulog. Nagising ako'y mataas na ang sikat ng araw. Agad akong bumangon para maligo dahil maraming gagawin na trabaho ngayon. Dahil na stranded kami sa Isla at nandoon ng tatlong araw ay marami akong hindi natapos na trabaho. "Good morning, Ma'am Chelseah," magalang na bati sa'kin si Bea, ang sekretarya ko. I just smiled at her bago tuluyang pumasok sa opisina ko. Busy ako sa ginagawa nang pumasok si Daniella sa opisina ko. She's usually wearing her devilish smile bago umupo sa upuan sa harapan ko. Nangalumbaba siyang tumingin sa'kin habang nakangisi pa rin. "Stopped bothering me, Daniel," madiin na sambit ko. Ngumuso siya. "Stop calling me Daniel," iritang sambit niya. "it's Daniella now! Not Daniel, Chelseah!" Ako naman ang ngumisi sa kanya. "If you don't want me to call you by your real name, Mr. Daniel Villacorta, then don't ask anything about what happened on that Island! Dahil walang nangyari!" "Ah, so may nangyari nga talaga sa inyo ni Gus sa Isla?" mapanuyang tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin at naramdaman ang pamumula ng pisngi. Great, Chelseah! Great! "Ellise Chelseah Bennett, sinasabi ko na nga ba!" tili niya habang mapang-asar na nakatingin sa'kin. "you didn't change at all! Marupok ka pa rin pagdating sa Gus na 'yan!" "You didn't know anything, Daniel!" "Yes, I know because you told me," mapang-asar na sagot niya. "you told me how much you loved him four years ago. How you chased him at kung gaano mo ginagawa ang lahat para lang mapansin at mahulog sa'yo ang isang August Jameson Chavez!" Napahinto ako sa ginagawa at nangalumbaba sa lamesa ko. Malakas na hangin ang binuga ko. "Damn it, Daniel! Anong gagawin ko ngayon?!" para akong binagsakan ng langit at lupa. "Ano pa ba? Then, go and talk to him. Sabihin mo mahal mo pa rin siya dahil halata namang mahal ka pa rin ni Gus!" "Mahal…" mahinang sambit ko. "how did you know that he loved me?" tanong ko bago natulala at inalala ang lahat dati bago mapakla na natawa. "dahil parang ako lang nagmahal sa aming dalawa. Ako lang ang may nararamdaman sa aming dalawa. Ako ang naghabol, ako ang nanligaw at ako lang lagi." Yeah, I was the one who did the first move. Napakadesperada kong tao kung tutuusin pero siguro nga desperado talaga ako ng mga panahon na 'yon. Siya lang ang lalaking gusto kong seryosohin dati pero hindi ko alam na siya rin ang magiging rason bakit ako nasaktan. I was so blinded by my love that I didn't know I was hurting and it's not healthy anymore. Sa sobrang pagmamahal na mayroon ako sa kanya, hindi ko namalayan na sobra na akong nasasaktan. Lahat gagawin ko para sa kanya pero para na bang wala ito sa kanya noon. Siguro kaya lang siya sumsama sa'kin dahil pinipilit ko siya. I was persistent before. Para sa kanya dahil mahal ko siya. "Alam niyo, kayong dalawa ni Gus ang definition ng taong naghahabulan ng feelings! Ano ba Chelseah, apat na taon na ang nakalipas! Mahal ka no'n ni Gus!" "Paano kung hindi?" tanong ko. "paano kung si Kreselle talaga ang mahal niya? Pinili niya si Kreselle dati—" "Wala sa kwento mo na pinili niya ang bruhilda mong half-sister!" "Wala nga pero ganoon na rin 'yon," sambit ko. "I was there that day. Kaya nga ako tuluyang umalis ng bansa." "Gaga ka!" sanlasa niya. "yes, you saw them kissing but it doesn't mean na pinili ni Gus si Kreselle." "So, anong mayroon sa kanila ngayon?" I fired back. "nasa iisang unit? Anong ginagawa nila roon? Nagbabahay-bahayan? Tagu-taguan? Ganoon?" "Bakit ang bitter mo masyado?" I rolled my eyes. "I don't want to be the old Chelseah, Daniel," mahinang wika ko. "ayokong ako na naman ang maghabol ngayon. Pagod na akong maghabol sa kanya. Ayokong ng maulit ang dati." "What's your plan now?" tanong niya. "lalo na't may nangyari sa inyo?" "I don't know," tugon ko bago nagkibit ng balikat. "mukhang wala rin naman sa kanya 'yong nangyari sa amin. It was just a s*x, Daniel." "But that was not just a s*x for me." Parang may bomba na sumabog nang marinig ko ang boses na 'yon. Agad akong napatayo nang makita siyang nakatayo sa pinto ng opisina ko. Lumakas ang t***k ng puso ko. "Gus…" Our gazed met. His green eyes locked my gaze. Gusto kong mag-iwas ng tingin ngunit para akong hinihila ng berde niyang mata. Hindi ko magawang umiwas! "Ahem!" we heard Daniella cleared her throat. "I should go now." "Huwag!" mabilis na pigil ko sa kanya. Hinawakan ko pa ang kamay niya kahit na nakatingin pa rin sa mata ni Gus. "Yes, please," Gus said without unabashed. Nakatingin pa rin sa'kin tulad ko. "I need to talk to Chelseah alone." Doon naputol ang tingin ko sa kanya at tumingin sa kaibigan. "D-don't leave me, Daniel!" I said, panicking. "Chel, kahapon pa kitang gustong makausap," malalim na sambit ni Gus. "Wala tayong dapat pag-usapan!" "Ewan ko sa inyo!" bulaslas ni Daniella. "mag-usap nga kayong dalawa hindi 'yong nagtataguan kayo ng feelings!" Agad kong hinabol sa pintuan si Daniella at hiwakan siya sa kamay. "Daniel, don't leave me here." pakiusap ko sa kanya. "Chelseah…" "Shut up, Gus!" "Daniel! Daniel ka riyan! Bahala kayong dalawa na mag-usap!" tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at tuluyang lumabas ng opisina ko. Nang mawala siya'y para akong nawalan ng lakas. Ramdam ko ang panginginig ng katawan kahit na hindi naman malakas ang aircon ng opisina ko. "Chel…" marahan na sambit ni Gus. Huminga ako ng malalim bago nagtaas ng tingin sa kanya. "Why are you here? Hindi ba dapat at nasa site ka? You shouldn't be here, Gus." "Yes, I should be here because you're here." Umiling ako. "Umalis ka na rito at baka makita ka ng girlfriend mo." "Wala akong girlfriend, Chelseah." "Oh, talaga? Ano si Kreselle?" "She's my friend." Tumaas ang kilay ko. "May magkaibigan na natutulog sa iisang unit? May magkaibigan na naghahalikan?" Umigting ang panga niya. "Chelseah, please hindi 'yan ang rason bakit ako narito." "Eh, ano pala!?" "About what happened to us," mahina na wika niya. "I need to tell you that what happened between us on that Island was not just a s*x for me." Hindi ako nakapagsalita at nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi rin naman basta s*x lang 'yon para sa'kin. I gave myself to him that night because I knew I wanted it. Not because of lust pero dahil alam hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko lalo na kung siya ang pinag-uusapan. "Chelseah, I'm sorry for everything," he whispered, gently. At laking gulat ko nang dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko. "Gus, tumayo ka riyan!" Umiling siya. "No! Let me finish first dahil sobrang tagal kong hinintay 'tong pagkakataon na 'to." Nakatingin lang ako sa kanya. Nakaawang ang labi at hindi alam ang gagawin. "Chelseah, please take me again," mahinang wika niya habang nagsusumamong nakatingin sa'kin. Malungkot ang kulay berde niyang mata. "Gus…" "Take me again to your side… ako na lang ulit."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook