CHAPTER 4

1467 Words
Because of what happened at Gus' store, I thought I would end up at Dean's office. But to my surprise, I didn't. Hindi ako pinatawag ng nakakataas ng school. I hurt Kreselle. I slap her and I say the things that would hurt Gus' feelings. I didn't mean to do that. Sa sobrang galit at inis ko lang sa mga sinabi ni Kreselle kaya ko nasabi ang mga salitang 'yon. Kaya kong tanggapin lahat ng sinasabi nang mga tao sa'kin. Pero no'ng nang galing na kay Kreselle at nandoon pa si Gus? I can't handle it anymore. Every people think of me like I'm a slut or a w***e who seduced every men in our campus and broke their hearts after I'm done using them. They didn't know everything about me. Hindi nila alam lahat ng pinagdaanan ko. I am not like what people think of me. Lahat ng naging boyfriend ko, minahal ko pero sila? Hindi. They're just using me because I'm a Bennett. I came from a well known family. 'Yong iba pa, gusto lang akong makama kaya ako pinatulan. Probably, they just want to be with me because people said I'm good in bed. But, no. I'm not. I'm not that kind of girl. For God's sake! I'm still a virgin! "Mabuti at hindi ka pinatawag sa dean's office," anang ni Trevis habang nasa tapat ko. As usual, we're here to our usual spot at UP Town Center. Napanguso ako. "I don't know why, pero maraming nakakita sa ginawa ko," sambit ko. "Baka si Gus?" sabi ni Celeste na nasa tabi ko. "Why would he do that? I literally insulted him in front of so many people. In front of his Mother." "Now, will you still pursue him for what you did last week?" nanunuyang sambit ni Trevis. Umiling ako. "I want to… but, he'll hate me for sure." "Of course he would," sabi niya. "masakit ang sinabi mo, ah. Lalo kung sa'kin mo sinabi 'yon, hindi na kita kakausapin." "I wasn't thinking," malungkot na wika ko bago nangalumbaba. "I hurt his feelings." "But I can't blame you," ani muli ni Trevis bago inayos ang spec niya. "Kreselle was the one who pushed you to say those words." "Trevis' right," sang-ayon ni Celeste. "isa rin kasi 'yang half-sister mo! She didn't know everything to judge you so quickly." Huminga lang ako nang malalim. Dahil sa nangyari, nahiya tuloy akong pumunta ulit sa tindahan nila Gus. I know that it was my fault. I shouldn't say those words to them. One week has passed since that happened and it's still the same. Natatakot akong pumunta kanila Gus. I took a deep sigh as I watched people outside the Vargas Museum here in UP Diliman. Kanina pa uwian at nasa date ang kaibigan kong si Celeste. I don't want to disturb her. Ngayon lang nagka-love life ang best friend ko kaya ayokong agawin ang atensyon niya para kay Theo. "Mabuti nga sa kanya," rinig kong sambit ng kung sino. When I tilted my head, I saw two girls looking at me. The other one, smirked at me. "Suits her," maratay na wika niya. "akala niya siguro magiging kanya lahat ng lalaki sa campus." I rolled my eyes and tried to control my emotions before I might do something that I might regret later. Hindi ko sila pinansin at muling tumingin sa maraming tao na nasa harapan. "Akala naman niya papatol sa kanya si Gus," I heard the other woman said again. "Gus is way too good from a slut like her. Matalino pa si Gus at alam kong alam niya ang kalandian na kinakalat ng babaeng 'yan." Nayukom ko ang kamao at handa na para sugudin ang dalawang babae nang may humawak sa kamay ko. When I saw the one who did that, I just gasped. "Kung papatulan mo sila, talagang suspend na ang bagsak mo," seryoso na wika ni Gus. My lips were parted when he sat down beside my bag. Gulat man ay umupo ako agad sa tabi niya. "Hindi ka nagsumbong sa dean's office," sabi ko. "bakit?" "Kasalanan din naman ni Kreselle," mahinahon na tugon niya. "sinagad niya masyado 'yong pasensya mo." I looked at him. Nakatagilid siya mula sa'kin kaya kitang-kita ko ang magandang hugis ng mukha niya. His green eyes is every fascinating. "I'm sorry," mahinang bulong ko. "nasabi ko ang mga salita na 'yon." Tumingin siya sa'kin pabalik. "Wala 'yon," anang niya bago marahan na ngumiti. Lumakas tuloy t***k ng puso ko. "totoo naman lahat ng sinabi mo noong nakaraang linggo." Napanguso ako. "No! That is not true." "Yes, it is true, Chelseah. Mahirap kami." Mas na guilty tuloy ako sa uri ng boses niya. Napayuko ako sa sobrang hiya. I don't know how to face him now! "Pero alam mo? Kahit na mahirap kami, masaya kami ng pamilya ko," sambit niya. "hindi namin ramdam ang hirap ng buhay dahil magkakasama kami at kahit ganoon ang estado ng buhay namin, ang mahalaga'y kumpleto kami dahil hindi ako naniniwala na hindi porque mayaman ka, eh, masaya ka na sa buhay. Sabi nga nila, hindi nabibili ng pera ang kasiyahan." Na double hit ako sa mga sinabi niya. He was right. Money can't buy happiness. I guess that's the reason why I end up like this. Hindi talaga kompleto ang pagkatao ko. Nandiyan nga sila Mommy, Grandma at Grandpa para sa'kin palagi, palagi naman silang malayo sa tabi ko. I grew up like this because there's something missing about my life. 'Yong kasiyahan na mahalin ka ng totoong Ama mo. But too bad, I haven't felt that to own Father. He used to beat me up when I saw a kid. He used to hurt not only my Mother but his own daughter. Nangilid ang luha mula sa mata ko na agad ding tumulo pababa sa pisngi ko. I quickly wiped it out to see that Gus was looking at me. Umawang labi niya. "I'm sorry… hindi ko intensyon na saktan ang damdamin mo." Malungkot akong ngumiti bago umiling. "Okay lang," sagot ko. "you were right." Now, he looked guilty. "Pasensya na Chelseah," patuloy pa rin niya. "ang gusto ko lang sabihin, kahit mahirap kami—" "It's fine, Gus," I cut him off. "I cried because I remembered my Father. Naisip ko lang, baka hindi ako ganito ngayon kung minamahal niya kami ni Mommy. But he didn't." "Hindi ko alam ang ginagawa sa inyo ni Tito Joseph, pero mabait na tao ang pagkakakilala ko sa kanya." I scoffed. "Mabait siya sa totoong pamilya niya. He didn't treat me like his own daughter." "Kaya malaki ang galit mo kay Kreselle," aniya. "pero wala siyang kasalanan sa ginawa ni Tito Joseph sa inyo." "Malaki ang kasalanan ng buong pamilya ni Kreselle sa pamilya ko." Nang hindi siya magsalita, muli akong tumingin sa kanya. I saw him looking at me attentively again. Kung noong nakaraang linggo palagi siyang nag-iiwas ng tingin tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa'kin, ngayon, hindi niya ginawa. "I'm sorry again," wika ko. Ngumiti siya. "Pasensya na rin kung naalala mo ang ginawa ni Tito Joseph dahil sa sinabi ko." Umiling ako. "let's forget about it," anang ko. "pwede na ba akong pumunta sa tindahan niyo?" He chuckled. "Wala namang nakalagay sa daanan do'n na bawal kang pumunta." Lumawak ang aking ngiti sa labi. "Talaga? Pwede na kitang kulitin ulit?" Humalakhak siya ngayon. "Totoo talaga ang sinasabi ng mga tao. May gusto sa'kin ang isang Ellise Chelseah Bennett." Ngumuso ako. "There's nothing wrong naman kung magkagusto ako sa'yo, 'di ba?" tumaas ang kilay ko sa kanya. He looked at me again and bit his lip. "Hindi pa 'ko ready na pumasok sa isang relasyon, Chelseah," seryoso na sagot niya. "ang nasa isip ko ngayon ay ang makapagtapos ng pag-aaral at mabigyan ng magandang buhay si Mama at ang apat kong kapatid na babae." Hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Sinong hindi magkakagusto sa kanya? Ngayon pa lang, sobrang laki na nang prinsipyo niya sa buhay at sa pamilya niya. Ngayon ko napatunayan na tama nga ang sinasabi ng mga tao sa kanya. He's a good man. Way too good for someone like me. "But, can I still see you right?" "Nasa iisang unibersidad tayo nag-aaral kaya magkikita talaga tayo," he said with full of sarcasm. "So, pwede?" ulit ko. Hindi pinansin ang sinabi niya. "Wala kang mapapala sa kakasunod sa'kin, Chelseah." "Anong wala? Malay mo magkagusto ka sa'kin, e 'di, maganda!" Malakas siyang humalakhak. "Ewan ko sa'yo," wika niya bago tumayo at umalis. Kahit na umalis siya, nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi ko. I guess, this is my sign to proceed to my next plan. Make him fall for me. My smile grew because of what I just thought. Humanda ka sa'kin Gus. Wala ka nang kawala sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD