Nagpa-panic akong binalik ang cellphone ko sa clutch bag pagkatapos mawala ang tawag ni Trevis. My heart tremble. "What happened?" Tanong ni Gus na katabi ko na. Hawak ang kamay ko. Hindi ko man lang napansin na tumayo na siya. I looked at him. Nangingilid ang luha sa mga mata ko. Nanginginig din ang kamay ko. "I-I… I need to go…" Wala sa sarili na tugon ko sa kanya. He frowned. "Saan ka pupunta? Anong nangyari?" Tanong niya ulit. "Gus, si Celeste raw kasi nawawala pa simula kagabi!" Nagpa-panic na sambit ko. "Kailangan kong pumunta sa penthouse ni Theo! Damn it! I don't even know what happened to my best friend!" Tumulo ang luha sa mga mata ko bago dali-dali na lumakad paalis sa dining room nila. Sa sobrang pag-aalala ko'y hindi na ako nakapagpaalam pa kay Aling Bebang at sa mga ka

