DRAFT 33

2073 Words

Mabilis na pinalibutan ako ng triplets at kaunting kaunti na lang ay mag-iiyakan na sila sa aking harapan. Halata na labis ko sila na pinag-alala sa aking malubhang kalagayan dahil sa ginawa kong pagliligtas kay Agatha. "A-Ada, akala talaga namin ay hindi ka na magigising pang muli!" hindi na napigilan ni Luz at bigla siyang napaiyak. "Laking gulat kaya namin nang makita kang duguan at nanghihingalo habang buhat buhat pa ng duke!" pag-iyak na rin ni Vina. "Huhuhu! Buong hinala namin nang oras na iyon ay ang duke mismo ang gumawa sa iyo nito. Na may ginawa kang ikinagalit niya kaya sinaktan ka niya," natatakot na sambit naman ni Minda kaya agarang siniko siya ng mga kapatid para manahimik. Napangiwi naman ako nang maisip na ako mismo ang nakakita sa duke na may buhat na duguang katawan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD