DRAFT 34

2032 Words

"Ada!" Umalingawngaw ang malakas na boses ni Agatha pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Pagkatapos ay halos madapa pa siya sa pagtakbo para lang makalapit sa kamang hinihigaan ko. "Ada, sobrang saya ko ng iparating mismo sa akin ng duke ang balita na nagising ka na," buong galak na sambit niya at mahigpit pang hinawakan ang aking mga kamay, "Akala ko talaga iiwan mo na ako..." biglang mangiyak ngiyak niyang dagdag. Nginitian ko siya at hinawakan na rin pabalik ang kanyang mga kamay. "May pangako pa po ako na hindi nagagampanan sa inyo, Miss Agatha," pag-alala ko, "Kaya pinilit ko talaga na mabuhay pa." Ngunit kaysa matuwa si Agatha sa pag-ungkat ko sa plano namin na pagtakas sa kanya ay malungkot na bumagsak ang kanyang mga balikat. Tila ba sumusuko na siya ipagpatuloy pa namin ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD