Halos masuka sina Ada habang pinapanuod ang ginagawang pagpapahirap ni Oswald sa kanilang mga bihag. Mayroon kasi iba sa kanila na ayaw na magsalita ng ilang impormasyon kaya tinorture ito ni Oswald hanggang mapasalita. Hindi naman mapigilan ni Prinsipe Beau ang ginagawa na ito ng tauhan ng duke. Dahil unang una walang batas na nagpapabawal sa kanila na magpahirap ng mga kriminal. Ang mga hinuli nila kasi ay mga napag-alaman nila na mga pinaghahanap na tulisan. Marami na kasi silang mga mabibigat na krimen na nagawa kaya sapat lang na makakuha sila ng ganitong kaparusahan. "Papasukin ko ang hideout nila," biglang sambit ni Oswald at lumayo sa sampung bihag, "Kailangan natin makuha ang kopya ng kanilang kontrata sa mga Driscoll... Saka ang mga listahan ng kautusan na ipinagawa sa kanila.

