Pagkatapos nila na sumigaw ay mga natahimik sila sa kinauupuan. Halatang pinag-iisipan nilang mabuti ang mga isiniwalat ko tungkol sa aking pagkatao. Alam ko na posible na hindi sila maniwala o isipin na gawa-gawa ko lang ito. At hindi rin ito makakatulong sa isinasagawang imbestigasyon ni Prinsipe Beau. Gayun pa man ay maiitindihan nila ang layunin nila Valarie para isagawa ang kaguluhan na ito. Iyon ay maging reyna siya gamit ang kaalaman niya tungkol sa mundong ito. "Woah..." tanging naibulalas ni Prinsipe Beau, "Mas mabigat pa pala ang sitwasyong ito mula sa inaasahan ko." Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanila. "Hindi ko alam kung paniniwalaan niyo ko pero iyon ang totoong nangyayari..." kinakabahang komento ko at tinignan sila sa kanilang mga mukha. "Naniniwala ako sa iyo, Miss

