Ito na yata ang pinakamagandang tulog ko sa ilang buwan na nakalipas. Pakiramdam ko ngayon, lahat ng problema ko ay nawala na. Kaya sobrang gaan ng aking pakiramdam at napahimbing ng aking tulog. Ito ang yata sinasabi nilang lubos na kaligayahan. Iyong pakiramdam na nakahiga ka sa alapaap at lumulutang sa saya ang iyong pakiramdam. Ahhh.... Napakasarap sa pakiramdam... Dahil sa una kong naging buhay ay hindi ko man naramdaman ang ganitong kasiyahan. Maaga ako naulila sa aking mga magulang at walang kamag-anak ang kumupkop sa akin kaya bata pa lang ay namulat na ako sa hirap na kumayod ng pera para makapagtapos ng aking pag-aaral. Nang makuha ko naman ang aking pinakaaasam na diploma ay sinubukan kong pumasok sa kompanyang pinapangarap ko. Akala ko ay umaayon ang lahat sa nais ko. S

