'Ngunit pinatawag muli ako ng hari para magtungo sa palasyo... At doon ay nakita ko muli si Miss Agatha...' Malakas na pumintig muli ang puso ko nang mapunta na roon ang kanyang kwento. Ito ang parte na nais ko malaman ang kanyang rason. Lalo na okay naman kami nang umalis siya. Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin nang magtungo siya sa palasyo. 'Labis ang gulat ko nang ipakilala si Miss Agatha ng prinsipe bilang kanyang nobya sa harapan ng hari at lahat ng mga opisyales... Hindi ko matanggap ang babaeng matagal kong hinanap ay siyang magiging asawa pa ng prinsipe. Pakiramdam ko ay na-traydor na naman ako. Dahil ipinagpalit ako ni Miss Agatha sa lalaki tinuturing ng lahat na karibal ko.' Napahawak ako sa noo ko dahil kung ako ang nasa posisyon ng duke kahit ako ay hindi matatanggap a

