DRAFT 72

2140 Words

Maaga pa lang ay agarang nagtungo kami ni Kuya Carnell sa palasyo. Mayroon pa kasing trabaho si Kuya Carnell na kailangang tapusin. Samantala ako naman ay kailangan niyang samahan sa pagharap sa hari. Kaya mas mabuti na isama na lang muna niya ako sa pagpunta niya sa palasyo habang naghihintay sa nakatakdang oras ng imbitasyon sa akin ng hari. "Habang nag-tra-trabaho ako ay si Warrick muna ang magbabantay sa iyo," bilin sa akin ni Kuya Carnell, "Huwag ka lang lalayo at kung maaari ay umiwas ka sa ibang opisyales. Habulin ka pa naman ng gulo." Tumango naman ako at nagbigay ng isang saludo kay Kuya Carnell. "Magiging mabait ako. Promise," nangangakong sambit ko pa sa kanya. Matamam muna ako na tinitigan sa mata ni Kuya Carnell bago siya tumalikod at pumasok sa loob ng kanyang opisina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD