Katulad ng kanilang plano ay nagsagawa ng isang malaking selebrasyon sa palasyo dahil sa pag-aakala ng hari na nagtagumpay sila na matalo ang hukbo ni Duke Cailen. Kaya maraming mga opisyales na sumusubok na dumikit ngayon sa hari at maya't maya pa nila na pinauulanan siya ng kanilang mga papuri. Abot tenga naman ang ngiti ng hari sa bawat na tinatanggap niya na papuri sa inaakala niyang mga tapat na opisyales. At kasama sa mga imbitado ng selebrasyon na ito ay ang mag-amang Payden na kanina pa nagmamasid sa kilos nilang lahat. Ayaw man nila na dumalo sa selebrasyon ay kailangan nila na pumunta para na rin ipakita ang patuloy na katapatan nila sa maharlikang pamilya. Iyon nga lang kumpara sa mga isinagawang selebrasyon ng palasyo ay mas pinagkagastusan ito. Kaya hindi tuloy mapakali ang

