Nang makapasok kami sa kanyang kwarto at agarang nilock ni Duke Cailen ang pinto. Pagkatapos ay isinandal niya ako sa pintuan saka mabilis na sinakop ang aking labi. Napayakap naman ako sa leeg niya habang kinukulong at dinidiin niya ako sa pintuang iyon. Tila ba wala siyang balak na pakawalan ako mula roon. Pagkatapos ay bumitaw kami sa halik at pareho namin na habol ang aming mga hininga. Nagtitigan pa kaming dalawa na tila inaalam ang susunod na gagawin. Ngunit biglang napalunok ako dahil sa binibigay na mapanganib na tingin ni Duke Cailen sa aking mga mata. Tila ba tinatakot niya ako sa maaari niyang gawin sa akin sa oras na ito. "Gusto mo ba na ituloy ko pa ito?" namamaos na tanong niya pero hindi naman ako pinakakawalan sa pagkakakulong niya sa pinto, "Maaari ka pa umayaw kung g

