Nang makahanap ng matinong kasuotan si Duke Cailen at makuntento sa kanyang ayos ay agarang pinuntahan niya kung saan dinala ng mag-amang Payden. Kita pa niya na maalerto ang bawat mga tauhan niya na ninilbihan sa commander at panganay na anak nito. Marahil dahil sa hindi nila alam ang pinakapakay nila para pumasok sa kanilang kuta kahit nasa kalagitnaan sila ngayon ng isang labanan. Agaran pa nagkaroon ng tensyon nang makapasok sa loob ng tent si Duke Cailen. "Iwan niyo kami," agarang utos pa ng binatang duke sa lahat ng tauhan niya sa loob. "P-Pero duke..." labis na pagtutol ni Kano. Ngunit isang matalim na tingin lang ang iginanti ng duke sa kanila. Kaya wala sila nagawa kundi iwanan ang kanilang lider kasama ang dalawang bisita nila. Hinintay muna ni Duke Cailen na makalabas ang

