Halos manghina ang mga tuhod ko na malaman ang ginawang pagsuko ni Duke Cailen sa palasyo. Mabuti na lamang ay nasambot ako ni Agatha bago tuluyang matumba sa aking kinatatayuan. Agaran naman niya ako inalalayan na makaupo sa isang sofa roon. "M-Miss Ada..." nataranta naman na sambit ng mga triplets saka agarang pinapaypayan ako at binigyan ng tubig na maiinom. Nang medyo kumalma ako ay ibinalik ko ang baso kay Vina. Sinubukan kong isipin ang maaaring dahilan para sumuko si Duke Cailen sa palasyo. Ngunit anong isip ko ay hindi ko maiwasang mabahala para sa kanyang buhay. "A-Anong..." hindi ko makapaniwalang sambit at problemadong napahawak sa aking ulunan, "B-Bakit ginawa ito ng duke? B-Bakit bigla na lang sumuko siya sa kanila? Nakalimutan na ba niya ang maaaring ihatol sa kanya?" Hin

