Pagsilip ko sa labas ng pintuan ay laking gulat ko na masaksihan ang halos p*****n na tagpo nina papa at Duke Cailen. Pareho sila may hawak na espada sa kanilang kamay at nakaakma ang tulis nito sa leeg ng bawat isa. Kaunting kaunti na lang ay malapit na magkasakitan ang dalawa sa aking harapan... "Tumigil kayo!" malakas na tili ko para mapigilan sila sa kanilang gagawin. Bigla naman sila naestatwa nang marinig ang pagsigaw ko saka sabay na nilingon ang direksyon ko. Nilakihan ko ang bukas ng pinto at sinamaan ng tingin ang direksyon ng duke. Kung hindi pa ako nagising ay marahil pinatay na niya si papa... Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya sa anak ko at pati naman ang magulang ko ay balak niyang patayin. Nabitawan naman ng duke ang hawak niyang espada at natatarantang lumapit s

