Biglang napayakap ako sa aking sarili nang makaramdam ng kakaibang kilabot na gumapang sa aking katawan. Kasabay pa nito ang biglaang pagbilis ng t***k ng aking puso. Isang pangitain na may hindi magandang mangyayari... Agarang napakagat ako ng kuko sa aking hintuturo nang maalala bigla ang nakakaasar na pamumukha ni Valarie/Vanessa. Aaminin ko na nakahinga ako ng maluwag na wala na siya ngayon sa mansyon ng Elrod. Pero kilalang kilala ko ang kanyang pag-uugali. Alam ko na hindi agad ito susuko hanggang hindi makukuha ang kanyang nais. Kaya marahil sa oras na ito ay gumagawa na naman siya ng maitim na plano para sirain ang kaligayahan na mayroon ako. Panigurado na gagawa ng gagawa ng paraan si Vanessa para sirain ang buhay ko. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang problema niya sa akin

