"Duke Cailen!" humahangos na paglapit ni Kano dala ang isang ulat na pinadala ng mga tauhan nila na sumunod sa mag-amang Driscoll patungo sa direksyon ng palasyo, "Masamang balita!" Natigilan ang lahat ng tauhan sa kanilang ginagawang ensayo habang inaantay na mapakinggan ang anumang masamang balita na dala ni Kano kay Duke Cailen. "Ang palasyo! Nagsimula na sila kumilos!" patuloy ni Kano sa kanyang sinasabi, "Nagsisimula na sila maghanda para magtungo rito at dakpin kayo!" Malakas na napasinghap ang lahat ng tauhan na nakarinig nito. Inaasahan kasi nila na ilang araw pa ang aabutin bago maglakas loob ang hari na kalabanin muli ang kanilang lider. Hanggang sa maisip nila na marahil may kinalaman ang mga Driscoll sa pagbabago na ito. Dahil nagtagumpay sila na makarating sa palasyo pagka

