bc

HELL UNIVERSITY

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
opposites attract
independent
drama
sweet
no-couple
loser
campus
secrets
war
love at the first sight
model
like
intro-logo
Blurb

A group of friends trapped in Hell University must survive nightly murders in a lawless school. As fear divides them, Zein battles to protect her friends and expose a system built to ensure no one escapes.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE "SIMULA" (To my 17-year-old-self, you did it.)
ZEIN'S POV HINDI ako mapakali sa pagkamot ng binti ko. Maikling shorts f lang kasi ang suot ko kaya lagi akong nadidikitan ng mga d**o. Maputik na rin ang rubber shoes ko. "Sigurado ba kayong dito ang daan? Sabihin n'yo lang kung naliligaw na tayo, ha? Para naman hindi ako mabigla," naiinis kong sabi. “Puwede ba, Zein, tumahimik ka muna? Kanina ka pa angal nang angal, eh wala ka namang naitutulong." Inirapan ko si Mia na busy sa pagturo sa direksiyon. Siya ang may hawak ng mapa na napulot niya sa kung saan. "Masyadong matalahib. Mag-ingat na lang kayo, baka may ahas sa paligid," sabi ni Dave. "Salamat sa pananakot, Dave," sabi ni Vanessa na may hawak na stick. "Sshh .. . Mas mapapagod lang kayo kung magdadadada pa kayo," saway ni Jerome na nauuna sa aming maglakad. "Malapit na tayo. Kaunting tüis na lang," sabi naman ni Matt. Halos mapamura ako nang matalsikan ng putik ang hita ko. Tiningnan ko nang masama si Vanessa dahil sa hawak niyang stick. Tumatawang nagtago ito sa gilid ni Mia. Ni hindi man lang humingi ng sorry. Papunta kami sa Hell University na nasa gitna ng kagubatan. Mahilig sa adventure ang barkada kaya heto kami, sumusubok na naman. Isn't it amazing? "Aray!" Nasubsob ang mukha ko sa likod ni Matt nang bigla siyang huminto. Ngayon ko lang napansin na huminto pala silang lahat. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung ano ang tinitingnan nila. Isang lumang gate na sobrang laki at kinakala-wang. Sa gitna ng gate, may nakasulat na Hell University at parang dugo ang ipinansulat doon. Ang creepy! "Ito na ba 'yon?" tanong ni Jerome. Halos umikot ang mga mata ko sa pagtingin sa paligid. 'Isn't it obvious, Jerome?' sa loob-loob ko. "I think ito na nga," sabi ni Mia. "Anơ'ng ginagawa n'yo rito?!" Napahawak ako sa damit ni Matt. Natakot ako sa biglaang pagsulpot ng isang mama na may dalang itak. ani Mia. "Ito na po ba ang Hell University? We want to enroll here," Sumilay ang isang ngisi sa tuyong mga labi ng mama. Sh*t! Parang ayoko na. “Sundan n'yo ako." Nauna nang maglakad 'yong mama. Humawak ako sa braso ni Vanessa. Mababakas ang excitement sa mukha niya habang takot na takot naman ako. "I think it's a bad idea, Van," bulong ko. "I don't think so." Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko sa loob ng university pagkapasok namin, May mga estudyanteng mahinang nag-uusap, may umiiyak, “yong iba naman ang talim ng pagkatitig sa’min at may nakangisi pa! "Kailangan n'yo munang magpa-register," sabi ng mama. "Exciting 'to," bulong ni Jerome na kinikindatan ang mga babae. Pakiramdam ko parang ang sikip ng lugar pero napakalawak naman n'on. Hell University... Natakpan ko ang bibig ko nang biglang magtakbuhan ang mga estudyante. "Ano'ng meron?" tanong ni Vanessa. "Riot. 'wag n'yo na lang pansinin," sabi ng mama. "Riot? Eh, bakit parang walang pumipigil sa kanila? Ikaw? Bakit nandito ka pa?" tanong ni Dave. Nagkibit-balikat ‘yong mama at nagpatuloy sa paglalakad. Maya-maya, huminto kami sa isang pintuan. Hinarap kami ng mama na kanina pa nakangisi. "Masasagot din ang lahat ng tanong n'yo. Halina kayo." Pumasok kami sa loob ng kuwarto. Ang putik sa loob n'on at lalo pang naging maputik ang sahig dahil sa mga sapatos namin. Sinalubong kami ng isang babaeng nakaupo sa swivel chair at sinenyasan kaming maupo. Umupo kami. Tsk! Ang dumi naman dito. Hindi ba sila maru-nong maglinis? "Good morning, newbies. I am Madam Violet, HU's headmis-tress. Please, fill out these forms." Inabutan kami ng mama ng mga forms. Sinulyapan ko si Madam Violet at 'yong mama na nakangisi habang nagpi-fill out ako ng form. Biglang nanuyo ang lalamunan ko kaya ibinalik ko na lang sa form ang aking atensiyon. "Welcome to Hell University!" Sabay na humalakhak si Madam Violet at 'yong mama. "Thanks. Uhmm ... How much is the tuition fee?" tanong ni Mia. "Scholar ako ng governor, at dala ko lahat ng documents ko," sabi ni Vanessa. Nagkatitigan si Madam Violet at 'yong mama, sabay tumawa. Gosh! Bakit ang weird nila? "Tt's free. Lahat ay libre." Natuwa naman sina Vanessa at Mia na nag-apir pa habang nakangisi naman sina Matt, Jerome, at Dave. "But ..." Tumahimik kami. "You should know our one and only rule here," nakangising sabi ni Madam Violet. "Isa lang ang rule n'yo? Whoa!" amaze na sabi ni Dave. Bakit parang hindi nila napapansin na ang weird ng mga nangyayari? Walang tuition fee? May school ba'ng ganoon? Or kung meron man, malamang tumatanggap ng scholar, but this university? HU? Nevermind. *7:00 p.m. to 5:00 a.m. is our 'Freedom Night,' also known as Bloody Night. '" Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" "Everything is free. May freedom kayong gawin ang gusto n'yo. Ang Bloody Night ay ang oras kung saan legal ang pagpatay. So lock all the doors, 'wag kayong lalabas sa time frame na 'yon dahil siguradong mamamatay kayo," nakangisi niyang sabi. sabi. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo ko dahil sa sinabi ni Madam Violet. "Are you serious?! That's crazy but it's cool!" sabi ni Matt. Gosh! Hindi ba sila marunong matakot? This adventure is not what I want. Nakakatakot ang isang ito. "You're just new here. Mas mabuti kung mag-iingat kayo. Hindi lahat ng kaibigan ay kaibigan din ang turing sa inyo. Never let your guard down, or else—you know what I mean?" ‘Legal' ang pagpatay? My God! Isa 'tong kabaliwan! Pumasok na kami sa dorm kung saan kami na-assign na mag stay. Anim kaming maghahati-hati roon. "Guys, pahangin muna ako," sabi ko bago lumabas. Kailangan kong magpahangin at pakalmahin ang sarili ko. Napakarami ko kasing negative thoughts, tulad ng dito na ba kami mamamatay, at marami pang iba. Dinala ako ng aking mga paa sa park na malapit sa dorm. Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang malamig na hangin. Wala namang tao roon. Umupo ako sa swing na kinakalawang na at inugoy iyon gamit ang aking mga paa na nakalapat sa lupa. Pinagmasdan ko ang paligid. Kanina lang ang daming estudyante roon pero bigla na lang nawala nang magkaroon ng riot. Gano'n ba talaga sila katakot? May dapat din ba akong ikatakot? "You will die." Napatingin ako sa may puno kung saan nanggaling ang boses. May isang lalaki roon na nakasuot ng itim na maskara at naninigarilyo. "Who are you?" Natakot ako nang malaglag ang kutsilyo nito na puno ng dugo. Nangangatog akong napatayo sa swing. "Newbie. What's your name?" "Z-Zein." Humalakhak siya. Nainsulto ako sa pagtawa niya dahil wala namang nakakatawa sa sinabi ko. "Your name sounds angelic, but I'm sure in the end, you will also hold a knife to survive." Pinulot niya 'yong kutsilyo at inihagis sa akin. Napaatras ako roon. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. "Scared? Hindi na kayo dapat pumasok dito." "Sino ka ba?" Humakbang siya palapit sa 'kin kaya napaatras ako sa takot. Gosh! Ang creepy naman ng lalaking 'to! "I am not a friend. No one is your friend." Napasimangot ako. Ano ba'ng ibig niyang sabihin? Nakakalito. *Iť's already 6:30 p.m. You still have 30 minutes to leave. Lock all the doors. Mainit ang mga mata nila sa inyo. Mag-ingat kayo." Tumalikod na siya at humakbang palayo. Pinagmasdan ko ang likod niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Sino siya at sino ang tinutukoy niya? Muling umihip ang malakas at malamig na hangin. Kinilabu-tan ako roon. Tiningnan ko ang relo ko at saka tumakbo pabalik sa dormitory. Naabutan kong nagtatawanan ang barkada. Napa-tingin sila sa 'kin nang pabagsak kong sinara ang pinto. "Nagkamali tayo ng school na pinasukan, guys! This is no longer for fun!" Pinagtawanan nila ang sinabi ko. Nairita ako. Bakit ba ayaw nilang maniwala? It's not a joke! Nasa panganib talaga ang buhay namin. "Alam mo, Zein? Mauuna kang mamamatay dahil sa takot. Kalma lang," ani Mia, Tiningnan ko siya nang masama. Nagulat kami sa tunog ng kampana na umalingawngaw sa paligid. Nagmamadali kong ini-lock lahat ng pinto at bintana. Napatingin ako sa wall clock-7 ơ'clock. Natahimik kami. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "What's that?" tanong ni Jerome. "It's already Bloody Night," sabi ni Vanessa na aktong bubuksan ang pinto pero mabilis akong humarang. "Ano ba?! Magpapakamatay ka ba?" naiinis na tanong ko pero tinawanan lang niya ako. "Easy, Zein. Biro lang naman." Nagtawanan ulit sila. Baliw ba sila para pagtatawanan ang seryosong bagay? "Guys, please, ayokong may mangyaring masama sa kahit na sino sa 'tin. Please lang, magseryoso naman kayo!" Nakahalukip-kip akong umupo sa sofa. "Sorry, Zei." Niyakap ako ni Vanessa. Tumabi si Mia sa 'kin. "Natatakot ka na ba talaga, Zein?" nag-aalalang tanong niya. Napaiyak na ako. Natatakot lang akong may mangyaring masama sa amin. I don't want that to happen. "Mia, I'm serious. There's something in this university morethan this Bloody Night. They are hiding lots of secrets." Kakaiba ang pagtingin nina Madam Violet at ng mama kani-na. Parang may pinaplano sila o baka napa-paranoid lang ako. "Sshh ... Okay. Let's sleep for now, bukas na bukas, aalis na tayo." Niyakap din ako ni Mia. Napangiti ako. "Salamat," bulong ko. "Sshhh..." Napatingin kami kay Dave nang senyasan niya kamingmanahimik. Nakasilip siya sa siwang sa bintana. Lumapit kami sa kanya at bahagyang binuksan ang bintana para makita ang tinitingnan ni Dave. Napakapit ako sa braso ni Mia. Napakaraming tao sa labas at nakasuot ng itim na maskara. "Who are they?" pabulong na tanong ni Matt. Nakakatakot sila. Sino sila at ano ang ginagawa nila sa labas gayong Bloody Night na? Bakit sila nakamaskara? Mabilis naming isinara ang bintana nang tumingin sa 'min ang isa sa kanila. Mabilis kaming nagkumpulan sa isang gilid ng kuwarto. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. "Did they see us?" nanginginig na tanong ni Vanessa. "T thin-" Hindi na naituloy ni Dave ang sasabihin dahil may kumatok nang malakas sa pinto namin. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Stop it, Luke!" sigaw ng kung sino mula sa labas. "Okay, okay." Tumigil na ang pagkatok nito pero nanatili pa rin kaming nagkukumpulan hanggang sa makatulog ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ELEAZAR GUSTAVO'S, FORBIDDEN AFFAIR

read
8.1K
bc

The Billionaire Father Vs. His Son

read
5.3K
bc

MANO PO, NINONG (The Forbidden Love)

read
260.6K
bc

Kuya Obsession Series 3: Taming my Rude Seniorito(Spg)

read
178.4K
bc

Palit Tayo Ng Asawa (Wife Swapping Gone Wrong)

read
17.5K
bc

Salatin Mo, Doc. Demetrius (SPG)

read
89.6K
bc

Make It Harder (SSPG)

read
294.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook