"Napapagod na ako Ally! Tumigil na tayo sa pagsunod sa lalaking 'yan." reklamo ko dito habang nagtatago kami sa likod ng puno.
"Saglit na lang! Pwede ko kasi siyang gawing reference sa bagong libro na sinusulat ko." sabi nito habang may sinusulat sa notebook na hawak niya.
Napailing na lang ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang naka-base sa totoong tao ang ilang characters sa mga libro niya.
Lumingon lingon ako sa paligid dahil hindi na familiar ang lugar kung nasaan kami ngayon.
"Naka-ilang sakay tayo ng bus. Paano kung alam niyang sinusundan natin siya tapos nililigaw niya lang pala tayo---" napatigil ako dahil possibleng tama ang hinala ko. Tumakbo na naman ang abnormal kung isip sa kung ano-anong pwedeng mangyari sa amin dito sa hindi familiar na lugar.
erase! erase!
Kakapanood ko to na horror movies eh.
"Pumasok siya sa coffee shop! Tara!" sigaw nito. Wala na akong nagawa ng hinila niya ulit ako.
"Cupid Coffee shop?" basa ko sa malaking sign sa taas ng glass door. Pagpasok pa lang ay halatang elegant ang coffee shop na 'to. Glass chandeliers, golden coated furnitures, violen background music. Mukhang mayayaman din ang mga students na nandito.
“Magkano kaya ang kape---“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi may waiter na nagdala ng coffee at cakes sa table namin.
“Naka-order ka na agad?” nagtatakang tanong ko kay Ally. Nalingat lang ako saglit. Hindi pa ba ako nasanay sa fast forward life kapag kasama ko ‘to.
“Para hindi halata.” Sabi nito na ngayon ay nakasuot nan g shades at may hawak ng news paper. Saan naman kaya galling iyang mga profs niya.
“Mas mukha kang halata sa shades at news paper mo. Excuse me ikaw lang ang nakaganyan ditto.” Sabi ko dito. Pero nagfocus na lang din ako sa pagkain na nasa harap ko ngayon. Gawain niya kung anong gusto niya basta ako masayang kasama ng mga kape dito.
“Mabuti na lang talaga ‘no mahilig pumunta sa mga coffee shop sinusundan mo ‘no?” nakangiting sabi ko sa kaniya. Inirapan naman ako nito kasi kanina lang ay parang ayaw ko pa siya samahan.
“Parang kanina lang nagrereklamo ka.” Nailing na sabi nito. Busy siya sa prospect niya na medyo malapit lang ang table sa amin at ako naman ay busy sa pagkain dito. Grabe ang ganda talaga dito may mini library pa sila sa dulo ng shop.
Napalingon ako sa entrance ng tumunog ang chimes. Sign na may pumasok. Nanlaki ang mata ko ng makita ang familiar na nilalang. Si Cupid Tyler. Akala ko panaginip ko lang siya pero bakit nakikita ko na naman siya ngayon? Nakasuot na ‘to ng uniform katulad ng ibang students dito. Totoo ba talaga lahat ng ‘to? Lumingon ako sa sa isang student sa table na kalaput namin para basahin ang nakasulat sa ID lace nila.
“Cupid Academy—oh my gosh!” mahinang sabi ko. Ano bang nangyayari sa buhay ko. Bakit na-encounter ko ang mga ganitong nilalang. Anong ibig sabihin nito? Sinundan ko ng tingin si Tyler na mukhang hindi naman ako napansin. May kasama pa itong dalawang lalaki. Halos lahat napapalingon sa kanilia pero parang hindi naman sila aware.
“Oh my gosh ! Hiring sila ng waitress!” biglang sabi nito. Nagulat naman ako sa sinabi niya.
“Bakit naman kailangan pa natin magtrabaho dito?” nagtatakang tanong ko.
“Kasi regular customer daw dito si Jack.” Excited na sabi nito. Okay ang bilis niya talaga sa lahat ng bagay. Nalingat lang ako saglit nakapagbackground check na siguro ‘to sa sinusundan namin.
“How about that guy? Anong malalaman mo about sa kaniya?” curious na tanong ko sa kaniya habang itinuro ko si Tyler.
“Give me a minute…” sabi niya tapos palihim niyang kinuhaan ng picture si Tyler na ngayon ay nasa dulo ng shop.
“Oh my gosh…” sabi ni Ally habang nakatingin sa Phone niya.
“Bakit?” tanong ko naman agad.
"Okay he is the Son of---"
"Ally!" sigaw ko kasi biglang tumigil ang lahat ng ingay dito sa coffee shop. Na-freeze din ang mga student dito.
"Anong nangyayari?" kinakabahan na ako. May ilang students na tumayo at may hawak silang bow and arrows. Cupids. May mga pinana silang students. Parang na- statue ako sa pwesto ko ngayon dahil sa pangyayaring nasaksihan ko.
Panaginip lang ba 'to?
"Ally!" mahinang bulong ko na kasi natatakot ako na mapansin ng mga kupidong iyon. Nanatiling walang kibo si Ally. Nanlaki ang mata ko ng may kupidong pumana sa kaniya. Tumingin din sa akin ang kupidong 'yon. Malamig ang tingin niya. Itinapat niya sa akin iyong pana.
"Sige subukan mo! Marunong ako ng judo!" bigla kong nasigaw dito. Then I heard him laugh.
"Bakit? Ayaw mo ma-inlove?" naglalaro ang mapang-asar na ngiti sa labi nito.
"Panain mo kaya ang sarili mo ng malaman mo ang sagot!" inis na sabi ko dito. Nakita ko ang amusement sa mga mata nito.
"Pero oras mo na ngayon.." pang-aasar na sabi nito.
"Choice ko pa din ang lahat." sagot ko naman dito.
"Narinig ko kanina ang pag-uusap niyo sa pag-aaply sa coffee shop na 'to... kung mag-aaply ka dito pwede kong i-delay ang pagpana ko sa'yo." nakangiting sabi nito na parang may pina-plano. Tiningnan ko siya ng masama.
"Pwedeng-pwede kitang panain ngayon." banta nito.
"Oo na!" sigaw ko dito kasi alam ko naman na wala akong laban.
"Bakit gusto mong mag-aaply ako dito?" tanong ko.
"To torture you. Everyday you will see people falling inlove while you can't" sabi nito.
It's not a torture though.
Sandali siyang natahimik na parang may malamin na iniisip.
"Someon saved you today." nakangiting sabi niya.
"Ano?"
"Hindi ka nagatataka na nakakagalaw ka at nakikita mo kami while others can't?" nakangiting sabi niya. Isa lang ang pumasok sa isip ko. Si Tyler. Anong purpose niya para dito? Hinanap siya ng paningin ko sa loob ng coffee shop.
Tumunog ang chimes. Tanging likod na lamang niya ang nakita ko dahil nakalabas na siya.
"By the way I'm Cupid Lance." pakilala niya. He extended his right hands for a shake hand.
Nagdadalawang isip pa ako kung makikipag-shake hands pa ako pero tinaas niya iyong panang hawak niya. Nang mahawakan ko ang kamay niya parang sandali akong napunta sa ibang lugar. I look like 30 years old and I'm holding a bow and arrow. Nakatutok iyon sa isang kupido na may itim na pakpak.
"Are you okay?" bumalik ako sa realidad ng marinig ko ulit ang boses niya.
"Ha? ah oo." sabi ko na lang dahil parang nakuha ang buong energy ko.
He snapped his fingers at naging normal na ulit ang lahat. Bumalik ang ingay at nakakagalaw na muli ang mga tao dito.
"Ano ba yan bakit parang kinabahan ako bigla." sabi ni Ally
"Bakit ka pala nakatayo diyan?" nagtatakang tanong nito.
Sinundan ko na lang ng tingin ang naglalakad papalayo na si Cupid Lance.
"Kung alam mo lang..." sabi ko kay Ally bago naupo muli.
May dumaan na waiter ay may iniwan na papel sa table namin.
"Hi! It's nice to see you again. May mission ako para sa'yo." basa namin sa papel.
Huwag nyo na akong isali sa mundo niyo!!!