bc

Hello Mr. Cupid

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
others
drama
tragedy
comedy
sweet
bxg
humorous
mystery
superpower
school
like
intro-logo
Blurb

"I'm Cupid Tyler from Cupid Academy. Hinahabol ako ng Cupid hunter kagabi at nagkamali ako ng room." paliwanag nito.

"Bakit kita nakikita? 'di ba dapat invisible kayo? It's a prank 'no?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Nakita mo na ako bago pa ako magising kaya wala ng sense para maging invisible ako at isa pa wala naman maniniwala sa'yo na nakakita ka ng kupido."sabi nito.

"Bakit madaming pera dito sa kwarto ko?"tanong ko.

"Sweldo ko 'yan." sabi niya.

"Anong trabaho mo?"

"Kupido." sabi nito.

"Kailangan din namin ng pera para mabuhay kasama nyo." sabi nito.

"Sana all kupido madaming pera. Hiring ba kayo?" napatakip na lang ako sa sa bibig ko sa nasabi ko. Natawa naman siya bigla.

"Ang inaasahan kong itatanong mo ay kung sino ang magiging partner in life mo."sabi nito

"Ano ka si Madame Auring? Ang bolang kristal? Ang nasa isip ko lang naman ay kung paano ako yayaman. Pwede ko bang itanong iyon sayo?" sabi ko na lang. Napailing siya sa sinabi ko at kinuha ang black book sa tabi niya.

"Nathalia Ysabelle Castro ang partner in life mo ay si----"

chap-preview
Free preview
Meet Cupid Tyler
Panaginip pa din ba 'to? Bakit napapaligiran ako ng pera? Sign na siguro 'to na kailangan ko ng magbayad ng tuition fee. Hinawakan ko iyong isang bundle ng pera na nandito sa bed ko. Siguro nasa 100,000 pesos 'to. "Oh my gosh!" bigla akong napabangon. Hindi 'to panaginip! Prank ba 'to? Nagnakaw ba ako sa bank kagabi? tumama sa lotto? Napalingon ako ng may gumalaw sa kabilang bed. "Alam ko naman po na mukha akong pera sa dami kong babayaran pero huwag nyo po muna akong kuhain. Bakit may anghel dito?" kinakabahang tanong ko. "Hindi ako anghel. Nagkamali na naman yata ako ng kwarto." sabi nito at sinubukan bumangon ng lalaki. Nakasuot lang ito ng puting tela at may kulay gold na tela na nakatali sa waist nito.. at may... puting pakpak. Katulad ng angel commercials sa choco mocho. "Ano ka? Bakit madaming pera dito?". tanong ko. Sumiksik ako sa lugar na pinakamalayo sa kaniya. Subukan niyang lumapit at mababato ko sya ng pageant trophies ng room mate ko. "Hindi ka maniniwala pero kupido ako."sabi nito.  Napatitig naman ako ganda ng kulay ng mata nito. Hazel. Perfect jaw line. Messy brown hair... "Kupido? Anong kupido?" tanong ko agad ng mapansin niya na nakatitig ako sa kaniya. Tinuro niya iyong bow and arrows sa dulo ng bed kung nasaan siya. Vacant ang bed na yan dahil nasa vacation pa si Sinead, ang room mate ko. "I'm Cupid Tyler from Cupid Academy. Hinahabol ako ng Cupid hunter kagabi at nagkamali ako ng room." paliwanag nito. "Bakti kita nakikita? 'di ba dapat invisible kayo? It's a prank 'no?"hindi makapaniwalang sabi ko. "Nakita mo na ako bago pa ako magising kaya wala ng sense para maging invisible ako at isa pa wala naman maniniwala sa'yo na nakakita ka ng kupido."sabi nito. "Bakit madaming pera dito sa kwarto ko?"tanong ko. "Sweldo ko 'yan." sabi niya. "Anong trabaho mo?" "Kupido." sabi nito. "Kailangan din namin ng pera para mabuhay kasama nyo." sabi nito. "Sana all kupido madaming pera. Hiring ba kayo?" napatakip na lang ako sa sa bibig ko sa nasabi ko. Natawa naman siya bigla. "Ang inaasahan kong itatanong mo ay kung sino ang magiging partner in life mo."sabi nito "Ano ka si Madame Auring? Ang bolang kristal? Ang nasa isip ko lang naman ay kung paano ako yayaman. Pwede ko bang itanong iyon sayo?" sabi ko na lang. Napailing siya sa sinabi ko at kinuha ang black book sa tabi niya. "Nathalia Ysabelle Castro ang partner in life mo ay si----" "Don't you dare say his name!" hindi na siya natapos sa pagsasalita dahil sa sigaw ko. Tumawa siya sa reaction ko. Kung ibang tai siguro ay gustong-gusto nilang malaman pero ako hindi pa. Hayaan na lang natin ang tadhana. "Panain kaya kita para naman hindi puro pera ang nasa isip mo."sabi nito. "Walang effect sa akin ang pana nyo! Kayo ang dahilan kung bakit madaming nasasaktan. Pamali-mali naman." inis na sabi ko. Nakikiramay lang ako ako sa mga taong palaging nagmamahal ng maling tao at paulit-ulit na nasasaktan. "Love is not all about happiness. You can' find a perfect love story. Ang pinakamatibay na pagmamahalan ay nahubog ng pinakamahirap na pagsubok." napatigil siya sa pagsasalita ng humikab ako. Hindi ko naman sinasadya pero inaantok talaga ako sa sinasabi niya. In short siguro hindi ako interested. "Sorry.." sabi ko na lang. Biglang parang may nag-beep. Nilabas niya iyong... okay may cellphone siya. Iyong latest na Iphone. Ang yaman naman nitong kupido na 'to. "I'll be back. May mission lang akong tatapusin."sabi nito at biglang tumalon sa bintana--- "Huy---" napatakbo agad ako papunta sa bintana pero wala na siya. Ang lakas ng t***k na puso ko sa sobrang kaba ko. "Belle! Nandiyan ka ba?" napalingon ako sa pinto na marinig ko ang boses ng landlady namin. Oo nga pala hindi pa ako nakakabayad ng rent. Ano naman kaya ang sasabihin ko. Bahala na! Binuksan ko na ang pinto at nakit ko na naman siya na suot suot ang kumikinang niyang dress. "Nandito ako para maningi ng bayad sa rent."sabi nito "Pasensya na po. Wala pa akong sweldo-" "Eh ano iyang madaming pera sa likod mo?"sabi nito ng nagtataka. "Hindi po sa akon 'yan---" "May pera ka naman pala hindi ka nagbabayad. Ilang beses na kitang pinagbigyan kasi alam ko na working student ka pero madami din expenses ang building na 'to. May lilipat na dito kung hindi ka makakapgbayad next week." sabi nito at umalis na din agad. "Hays iyong kupidong iyon talaga!" inis na sabi ko. Pinulot ko na lang lahat ng pera niya at inayos iyon. Pero may napansin akong nakasulat sa papel. "Do you want to be a Cupid's Assitant?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

His Obsession

read
104.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook