Kabanata 1 - Hustisya

2923 Words
Napasandal ako sa tabi ng pintuan habang sobrang bagsak na ng resistensya ko. Hindi ko alam ang gagawin simula nang isugod si Zia Yumi rito sa ospital. Ilang linggo ng malala ang asthma niya tapos ngayon lang siya pumayag na dalhin ko siya rito. Wala naman akong magawa dahil ayon ang kagustuhan niya. Halos isang taon na ang lumipas simula isama ako ni Zia Yumi rito sa Italy. May napundar siyang apartment dito kung saan nakikitira rin ako hanggang sa mga oras na ito. Caretaker ang trabaho niya sa isang mayamang Italian family. At ako naman ay nagtatrabaho sa isang coffee shop para makatulong sa mga gastusin. Hindi ko alam ano ang dapat gawin. Siya na ang tanging huling kamag-anak ko at ngayong nag-aagaw buhay siya ay marahil dapat na rin akong mawala. That detective was right. I didn’t deserve to live while all of them died. Pero kahit gaano ko gawing miserable ang buhay ko, hindi mawawala ang katotohanang kasalanan ko rin naman. At sana nga ako na lang ang namatay noong araw na ‘yon, sana ngayon ay hindi ako nakakaramdam ng paghihina ng loob. Pinunasan ko agad ang luha ko nang lumabas ang doctor. Sinabihan niya ako na maaari na akong pumasok at kausapin ang tiya ko. “Zia Yumi…” Hindi ko siya magawang tingnan na ngayon ay wala ng lakas. Parang kahapon lang ay pinuntahan niya ako sa Pilipinas para tulungan. “D-Dumito ka lang, Maurine…” nanghihina niyang sambit habang nakahiga sa kama. “Magsimula ka ng bagong buhay dito at huwag ka ng bumalik pa sa Pilipinas.” Wala sa sarili akong tumango kahit na may balak pa rin akong bumalik sa bansang ‘yon. Hindi rin naman ako pwedeng tumira rito sa Italy lalo pa na ngayong tila nagpapaalam na siya. “Huwag mo ng bubuksan ang kaso ng iyong pamilya,” pakiusap niya na ikinatuliro ko. “Ilagay mo na lang sa nakaraan ang lahat… sa gayon makausad ka na.” Umiwas ako ng tingin. Hindi ko mapigilan ang sariling mas umiyak subalit inaaliw ko na lang ang sarili sa pagsipat sa paligid. Madilim ang silid at nakakabingi ang katahimikan. Pumapasok din sa bintanang may kurtina ang masilaw na mga kidlat ngunit hindi naman nakulog. “A-Alam ko ang binabalak mo. Papunta ka pa lang subalit nakauwi na ako,” pilit at nahihirapan niyang ngiting bulong. “Kaya ka nag-iipon ng pera para makauwi at mapabuksan muli ang kaso subalit, Maurine…” Napatingin ako sa kamay niyang marahang humawak sa kamay kong nanginginig sa takot. Takot na mapag-iiwanan na naman ako at sa pagkakataong ito ay ako na lang talaga mag-isa. “H-Hindi…” hindi ko makapaniwalang sambit at mabilis na hinawi ang kamay niya sa akin. “Naniniwala kayong ako ang pumatay sa kanila?” Napasinghap ako habang paulit-ulit akong umiiling at walang humpay sa pag-iyak. Para bang nadurog ako nang malaman na pati siya ay pinagdududahan ako. Akala ko ba tinulungan niya ako kasi naniniwala siyang hindi ako ‘yon? Kaya rin ba kahit lumipas ang isang taon ay tila iwas siya sa akin at hindi magaan ang samahan naming dalawa? She believes the detective’s accusation since I’m the only suspect in the case… ako na agad ang salarin? “I-I thought you believed in me!” napataas kong boses kasabay ng paghagulgol. “Pasensya ka na, Maurine… pero masisisi mo ba kami?” halos pabulong niyang tanong. “Kung babalik ka sa Pilipinas, baka hindi ka na tantanan ng detective na ‘yon…” “Pero wala po akong ginawa, Zia Yumi,” pangungumbinsi ko na napipilitan niyang ikinatango. “Hayaan mo kapag nagkita kami ng iyong pamilya… ako na ang hihingi ng tawad sa kanila, hija,” nanghihinang boses niyang binalewala ang sinabi ko. “Huwag mong sayangin ang buhay mo. Mabuhay ka nang maayos dahil ayon naman din ang nais ng iyong mga magulang, hindi ba?” Isang maikling katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ako sa takot marahil sa sobrang sakit na dinulot niya na akala ko ay kakampi ko siya sa laban ng buhay ko. “Dahil sa sinabi n’yo… mas tumibay ang pagnanais kong bumalik at patunayang wala akong kasalanan,” giit ko. “Wala kang dapat patunayan, Maurine. Matagal na ring panahon ang lumipas at mahal ang makakuha ng hustisya.” Hindi ko sadya subalit iniwas ko ang palad kong mahawakan niya. Napasabunot na lang ako sa buhok ko na para bang matatakasan ako ulit ng bait. Kung noon ay muntik na akong mawala sa katinuan dahil sa nagkandaletche-letche ang lahat. Ngayon ay pakiramdam ko matutuluyan na akong mabaliw kung hindi man ako mamatay. “A-At kung kukuha ka ng hustisya, sarili mo ang kapalit… ayon ang sabi sa akin ng detective,” halos pabulong niyang sambit. “Naniniwala po kayo sa mga sinabi niya?” nasasaktan kong tanong. “Pero sinabi ko na po, hindi ako ang salarin. Alam kong may kasalanan ako dahil hindi ako perpektong anak, lagi akong may problema sa kanila subalit maniwala kayo… hindi ko sila pinatay!” Tumango-tango siya na pilit akong inuunawa. “A volte la verità fa più male della bugia. (Sometimes the truth hurts more than the lie).” “B-But I’m innocent,” umiiyak kong depensa bago mahigpit na hinawakan ang kamay niyang inaabot ako. “I’ll prove to you that I didn’t commit the crime!” “Maurine…” “I will do everything to serve justice,” giit ko habang tinitingnan ang tiya kong nahihirapan ng huminga at umiling para kontrahin ako. “So, hold on to me, Zia Yumi. Papatunayan ko pa sa’yo na wala akong kasalanan…” Hindi ko pa natatapos ang pangako kong ‘yon ay malakas na tumunog ang monitor. Hudyat na nag-flatline na ito. Bumuhos ang luha ko nang maramdaman ang malamig niya ng palad. Nakapikit na rin ang kaniyang mga mata. Wala pang isang minuto nang kanina ay kausap ko pa siya, subalit ngayon ay wala na siya agad. Kahit na nalaman kong hindi siya naniniwala sa akin. Nais ko pa ring kumbinsihin siyang lumaban kahit na sinabi naman na noon pa may taning ang buhay niya. May asthma rin ang tatay ko. Nasa pamilya na rin namin ang gano’ng sakit at mukhang siya nainom ng gamot kaya lumala ito. “Zia Yumi…” napahagulgol kong tawag habang inaabot ang palad niyang bumitiw na sa akin. Hinawi ako agad ng doctor saka hinila palabas ng dalawang nurse. At kahit na nakakaintindi na ako ng Italian ay walang pumapasok sa utak ko ngayong durog na durog na ako. Parehong palad ko ang napatakip sa bibig ko nang lumakas ang paghagulgol ko. Pero hinayaan kong umiyak sa malamig na koridor ng ospital habang pinagtitinginan ako ng ibang tao. I don’t know what to do now. Ako na lang mag-isa… kahit saan pa ako pumunta, wala na akong makakasama. Hindi gano’n kalaking pera ang naisantabi ko. Sapat lang din ‘yon sa akin at kulang na kulang pa sa pagkuha ng hustisyang matagal ko ng nais makamit. Alam ko na kapag nakakuha ako ng hustisya… kapag napatunayan kong inosente ako. Hindi lang mawawala ang masamang tingin nilang lahat sa akin kundi maililigtas ko rin ang sarili ko sa buhay na ito. Binigyan ko ng isang taon ang sarili ko na manalagi sa Italy. Pinangako kong hindi ako babalik sa Pilipinas hangga’t wala akong sapat na pera at koneksyon… hindi lang para kunin ang hustisya kundi para maghiganti. Well, seeking justice is just the same as taking revenge. Pero akala ko madali lang gawin ang lahat ng plano ko nang makabalik ako sa Pilipinas dahil may pera’t koneksyon na ako ngunit mali ako. I have nothing that can lead me to the truth. Kahit ilang beses ko ng palihim na inaral ang kaso ay walang ibang suspek bukod sa akin. But I never doubted myself… I didn’t take their lives, and I’m certain about that. Ilang taon na ang lumipas simula bumalik ako sa Pilipinas. Marami akong nasayang na oras habang kung saan-saan ako nagpupunta para lang sundan ang isang testimonya sa kaso. Nakalagay sa dokumento na noong hating gabing ‘yon ay may dumating na sasakyan sa bahay at sakay no’n si Raiko. Pero malaking palaisipan sa akin ay sino ang nagmaneho ng sasakyan paalis kung bumaba siya at tumuloy sa bahay? “Justice sucks…” Inis kong nilapag ang makapal na dokumento sa lamesa. Napasandal ako sa swivel chair habang nagmumuni-muni na nakatingin sa case board. Walang kahit anong picture ang nakakabit sa board kundi puro notes lang sa makukulay na sticky notes. “But I don’t need pictures… I just need names,” giit kong bulong sa sarili. Bahagya kong nilibot ang paningin sa office room na ito. Maliit lang ang silid na dapat tulugan ko sana subalit ginawa kong espasyo para ipagpatuloy ang sarili kong pag-iimbestiga. I’m currently living in La Castellano, in a two-storey apartment. Dito lang naman ako sa lugar nila dinala ng isang kuwestiyonable na testimonyang ‘yon. “Le Mortis Assassinio…” sambit ko habang nakatingin sa sulat na ‘yon sa case board. Tumayo ako sa kinauupuan ko saka dahan-dahan na lumakad do’n. Agresibo kong kinuha ang piraso ng papel para basahin ang iba pang nakasulat. “Signore…” bulong ko habang dama ko ang pagkulo ng dugo ko. “I’ll meet you soon, Gabino Piero Vielle.” Isang ngisi ang lumapat sa labi ko habang tinitigan ang pangalang ‘yon. At nang makaramdam ako ng kaunting tuwa ay saka ko pinasadahan ang iba pang mga pangalan ng grupo nila. Their group name means ‘The Death Assassination.’ It’s an assassination group that I believe is behind my family’s death. Though I still have no idea who gave the order, or why. Pero at least may nangyayari na sa ilang taong ginugol ko at hindi magtatagal ay malalaman ko na rin ang buong katotohanan. Handa ang kamay kong madungisan para lang din patunayan kanila Zia Yumi na mali sila. At kailangan kong gawin ito lalo na hindi sila ordinaryong mga tao kundi halimaw ang makakasangga ko. I’m so sure about this… but I can’t tell which of them imposed the order. Pero bakit pa ako mag-iisip kung ang utos ay lagi namang nanggagaling sa boss? Ipinin ko ulit ang kinuha kong papel na ‘yon. Walang araw na hindi ko tinitingnan ang case board na ito kaya hindi magtatagal ay baka mabigyan ko na rin ng mukha ang mga pangalang nakadikit dito. Wala kasi kaming makitang larawan nila lalo na ng lider ng grupo. What would I expect from a billionaire assassin leader and his men? They were very private people. Pero imbes na maupo ako muli sa upuan ko ay napahinto ako sa harapan ng salamin. Hindi ko kasi maiwasang mapansin ang sarili na malayong-malayo na sa dating ako. Palaging dress over jeans ang suot ko at plakado lagi ang dark feminine makeup ko. Kulay auburn na rin ang hanggang balikat na buhok kong medyo kulot. “It took me years to get here…” bulong ko saka sinuot muli ang eyeglasses ko. Kahit ako ay hindi ko na makilala ang sarili ko. Marahil wala na nga ang dating Maurine… and I’ll be glad if she never comes back. “Maurine, are you done with your maladaptive daydreaming?” Agad akong napalingon sa pintuan nang makarating na siya. Kanina ko pa siya hinihintay na pumunta. Pero imbes na batiin ko siya ay nagtaka ako sa dala-dala niya. Isang plastic bag na ang laman ay iba’t ibang klase ng alak. “Tinawagan kita hindi para uminom kundi para pag-usapan ang dapat na mangyari ngayon,” saad ko habang tiningnan tiningnan siyang nilabas ang mga binili niyang inumin. “Bakit hindi natin sabayan ng pag-inom?” suhestiyon niya bago umupo sa swivel chair at tiningnan ang mga sandamakmak na papel sa lamesa. It’s Adira Brielle Herrera… and she’s a great detective. Malaki ang pasalamat ko sa pagtulong niya sa akin kaya naging makabuluhan ang ilang buwang nakalipas. Noong hindi ko pa kasi siya nakikilala at hindi siya nag-alok ng tulong ay baka walang kahit anong nakadikit sa case board ko. We’ve known each other for months… but we’re not friends. She’s just helping me out of kindness, and she refuses to let me pay her. Sinabi niyang hindi ko na kailangang i-hire siya bilang detective ko dahil tutulong siya sa abot ng kaniyang kakayahan. At mabuti ng walang nakakaalam na magkakilala kami, sa gayon hindi magkaroon ng problema ang mga plano namin. “Batid mong hindi ako naimon,” rason ko nang abutan niya ako ng isang canned beer. “At mataas pa ang araw para magpakalasing.” “That’s a problem with you, Maurine…” nakangisi niyang sambit. “Hindi ka na sumubok uminom ng alak matapos ng gabing ‘yon. Tapos ngayon gusto mong maghiganti pero sa inuman pa lang ay naduduwag ka na…” Napalunok ako. “Anong gusto mong ipalabas? Kailangan kong matutong uminom… for what?” “I heard those men were heavy drinkers,” mabilis niyang tugon saka itinuro ang case board gamit ang kaniyang labi. “Kung papasok ka sa mundo nila, kailangan mong matutunan ang bawat galaw nila.” Napakunot-noo akong nakikinig sa kaniya. At wala pa siyang sinasabi na hindi ko ginawa kaya nga nakaraan ay abala ako sa pag-aaral ng iba’t ibang martial arts. Muli kong hinasa ang sarili pag-aarnis pati na sa katana. She’s right… I need to be strong, both in mind and body. “Sa oras na mahimatay ka sa alak kasama sila, mas mabuti pang huwag ka ng gumising pa,” giit niya na diretsong nakatingin sa akin. “What’s the point of waking up when you’ve already lost?” Napakurap ako habang iniisip ang mga sinabi niyang may punto. Hindi na rin kasi magtatagal ay mabubuo na namin ang plano at magagawa kong makapasok sa grupong ‘yon na hindi pinaghihinalaan ng kahit sino. “Kaya kung ako sa’yo, Maurine… pataasin mo ang alcohol tolerance mo,” abiso niya saka ibinato sa akin ang isang canned beer na sinalo ko agad. “At magagawa mo ‘yon kung iinom ka ng marami at palagi.” Matalas ang tingin ko sa kaniya habang binuksan agad ang canned beer na binigay niya. Walang ano-anong nilagok ko ‘yon agad at ininda ang pait nito sa lalamunan. “Good girl, Maurine.” Napatukod ako sa lamesa nang maubos ko ang alak. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng pagduduwal dahil sa wala pa naman akong kain ngayong umaga. “Gaano pa katagal ang hihintayin ko bago sila malapitan?” mabilis kong tanong nang magbalak siyang umalis agad. Busy din naman siya sa ibang bagay dahil may mahalaga siyang misyon na inaasikaso ngayon. Kaya bihira lang kaming magkita at hindi ko siya basta-basta nakakausap. “Hmm…” “I can’t wait much longer. Kating-kati na ang palad kong sakmalin sila at handa na akong madungisan,” marahas kong saad habang napapaisip siya. Ilang buwan o taon pa ba ang papalipasin ko? I want so badly to take justice with my own hands. “Maurine, you know what I said… you can enter their world only if you’re ready,” paalala niya. “But I’m always ready.” Umiling siyang natatawa. “You need me to tell you when you’re ready… and when you’re not. Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin handa sa madugong giyera.” Nagtataka ko siyang tiningnan. Paano niya nasasabing hindi pa rin ako handa? Noong araw pa lang na nangyari ang krimen ay inasam ko na ang hustisya. Sadyang nag-iba nga lang ang paraan na nais ko sa pagkamit no’n. Kung noon ay nais kong maghanap ng magaling na investigator para sa kaso, subalit ngayon ay hindi ko na kailangan ‘yon dahil ako na ‘yon. At sa tulong ni Adira, wala ng impossible. I could take off their heads in the short time left. “Sa ngayon ay sundin mo ang suhestiyon ko. Aralin mo kung paano bumaril bukod sa katana at yantok mo.” Matipid akong tumango habang nakatingin sa kaniyang nakasandal sa pinto at handa ng umalis kahit na kakarating niya pa lang. “Pero hanggang kailan ako maghihintay?” pahabol kong tanong. “Sapagkat naiinip na ako.” “Maurine, you must learn patience… it’s what leads to victory,” mariin niyang sambit saka tinapik ang magkabilang balikat ko. “And one more thing, learn from everything… especially from men.” Pilit akong suminghap ng hangin para pakalmahin ang sarili at maiwasang makagawa ng mga maling desisyon. Pero napakunot-noo ako nang sulyapan niya ang pangalan ng leader ng grupong ‘yon na nakapin pa rin sa case board. “May nalaman ka bang bago tungkol sa kaniya?” naitanong ko. Siya ang halos nakakakuha ng impormasyon sa amin dahil hindi ko itatangging mahusay siyang detective. Hindi tulad sa ibang kakilala kong detective na saka lang kikilos kapag inunat ng sinong makapangyarihan ang batas. Iba si Adira. I like the way she breaks the rules and bends the law. Mas tinitiktikan lang naman niya ang group ng Le Mortis Assassinio kaysa sa akin. Pinaiiwas niya muna akong mag-espiya dahil kailangang malinis ang pagkatao ko tulad ng isang taong may malinis na intensyon sa oras na papasok ako sa samahan ng mga ‘yon. “I heard one, Maurine,” pananabik niyang tugon. “He knows how to act, but he doesn’t know how to feel…” “What? What do you mean?” nagtataka kong tanong. “He’s heartless.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD