Chapter 6: Swerte o Malas? (Anne Marie)

2184 Words
"Napag-aralan mo na ba ang tungkol sa Villar Steel?" bungad na tanong sa akin ni Daddy pagkakababa ko para maghapunan. Pareho na silang nakaupo ni Mommy at hinihintay na lamang ako. "Yes po, Dad," sagot ko sa kaniya. Naupo na ako at muli ay tahimik na kaming kumain hanggang sa muling nagsalita si Daddy. "Just make sure na magiging maganda ang relasyon ng kompaniya natin sa kanila. Remember that they are our main supplier. Maybe you can schedule a meeting with Renzo para naman magkakilala na kayo at makapag-uusap na rin tungkol sa negosyo." Bigla akong nasamid nang banggitin ni Daddy ang pangalan ni Renzo na siyang nagpainit sa katawan ko. "Be careful, anak. Uminom ka kaagad ng tubig," sabi sa akin ni Mommy. Sinunod ko naman ang sinabi ni Mommy. Halos maubos ko ang tubig na laman ng aking baso. Pakiramdam ko kasi ay nanuyo na ang aking lalamunan nang marinig ko ang pangalan ng binata na siyang nagpapagulo sa aking isipan simula nang makita ko pa lamang ang kaniyang larawan. Tumindi pa iyon nang aksidente kaming magkabanggan kanina. "Well, I'd love to, Daddy. Sige po, kakausapin ko si Miss Trinidad about it tomorrow para makapag-schedule po ako ng meeting sa kaniya," kaswal kong turan kay Daddy. Hindi ako nagpahalata sa aking nararamdaman na excited na ako sa dinner meeting namin ni Renzo pero mas gusto kong isipin na date iyon. "Just do your job well and 'wag mo sanang sayangin ang pinag-aralan mo sa States. Ngayon mo patunayan sa akin na hindi ako nagkamali sa desisyon kong payagan ka," ani Daddy sa akin. "I'll do my best so you can be proud of me, Daddy." "Okay! Mauuna na ako sa inyo at may mga oopisinahin pa ako. Napilitan lang naman akong umuwi ng maaga dahil sa pakiusap ng iyong Mommy," nakangiting sabi ni Daddy habang nakatingin kay Mommy. "Thank you, Sweetheart!" ubod ng tamis ding turan ni Mommy. Ang saya ko habang tinitingnan ang aking mga magulang. Kahit na nagkakaedad na at abala sa trabaho si Daddy ay napaka-sweet pa rin nila sa isa't isa. "Sana ganito rin kami ni Renzo," usal ko sa aking sarili. "What did you say, anak?" tanong sa akin ni Mommy. Bigla akong nagulat nang marinig ang tanong ni Mommy. Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pagkakasabi ko na dapat ay sa sarili ko lamang iyon. "H-ha? Ah, eh," nauutal kong tugon habang nag-iisip ng palusot. "I mean you're so sweet pa rin po. Nakakakilig po kayong tingnan," pagsisinungaling ko na lamang. "Thank you! Kaya sana ang katulad ng Daddy mo ang makatagpo mong lalaking mamahalin. Wala akong pinagsisihan nang pakasalan ko siya, 'di ba, Sweetheart?" "Of course! When you're married, priority niyo na dapat ang isa't isa kahit na busy kayo sa mga trabaho ninyo. Don't compromise your relationship," tugon ni Daddy kay Mommy pero sa akin nakatingin. "I will remember that po." Pagkaalis ni Daddy ay kinuha ko ang nabuksan ko ng wine kanina at nagsalin ako sa baso. "Can you give me, too?" tanong sa akin ni Mommy. "Kaunti lang po, Mommy. Baka magalit si Dad lalo na at bawal na sa inyo." "I know!" Nilagyan ko ng kaunti ang baso ni Mommy. Nag-cheers pa muna kami bago sinimsim ang red wine. "Ang sarap talaga ng wine na ito. It's been a year since nakainom ako," ani Mommy habang pinapaikot ang kaunti ng wine na ibinigay ko sa kaniya sa wine glass at inamoy-amoy pa iyon. Nalaman kasi na may bara ang ugat ng puso ni Mommy kaya marami nang bawal sa kaniya. Dati ay kasama siya ni Daddy sa opisina ngunit nang magkasakit ay pinatingil na siya ni Dad sa pagtatrabaho at nasa bahay na lamang. "Hija, do you have a boyfriend while you were in the States?" biglang tanong sa akin ni Mommy sa pagitan ng pag-inom namin ng wine. Naibaba ko ang wine glass kong hawak at tiningnan ko si Mommy. "I don't have, Mom. Hindi ko bet ang mga foreigner," natatawa kong tugon sa kaniya. Totoo naman na hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Pero syempre hindi ko masabi ang mga pinagggawa ko roon lalo na ang mga wild nights namin ni Brayden sa apartment na tinitirhan ko. Naalala ko pa na isang linggo kaming nagsama ni Brayden. Wala kaming ginawa kundi ang mag-s*x. We explore on different styles and positions na napapanood namin sa mga porn sites. Tanging kain at tulog lang ang pahinga namin. But as time goes by, hindi na rin pala masarap ang s*x kung walang pagmamahal. Ginagawa na lang namin dahil sa init ng aming mga katawan pero no feelings attached at iyon din ang nagpatigil sa akin. "Well, bata ka pa naman. Mag-focus ka muna sa kompaniya pero kung may mapupusuan ka, don't hesitate to introduce him to us, okay? Let me check if papasa siya sa amin," malambing na sabi sa akin ni Mommy. "Of course, Mommy." Masaya ako sa pamilya na meron ako. Lalo na at napaka-loving at supportive ng parents ko. Kaya hindi ko rin naman sila binibigyan ng sakit ng ulo. Nang maubos ko na ang laman ng aking baso ay nagpaalam na rin ako kay Mommy na umakyat na sa aking kuwarto. Ayoko ng dagdagan ang nainom ko at baka malasing na ako. Pagkapasok ko ay dumiretso na ako sa banyo para mag-shower. Iblinower ko na rin ag aking buhok at nang matuyo iyon ay nagbihis na ako at nahiga. Kinuha ko ang aking cellphone at nakita kong merong fifteen na messages. Tiningnan ko iyon at natawa ako nang mabasa ang pangalan ng group chat namin. Nai-add na pala ako ni Lester. "Fantastic four! Ang jologs talaga ng mga ito." Binasa ko ang mga usapan nilang tatlo at puro kalokohan lang naman ang mga iyon. "Miss Heiress talaga ang ipinangalan nila sa akin?" Nag-iisip ako kung paano ko sila tatanungin tungkol kay Renzo na hindi nila mahahalata na interesado ako sa lalake. Nakailang type na ako ngunit binubura ko rin. "s**t! Akala ko madali lang." Ibinaba ko ang aking cellphone saka ipinikit ko ang aking mga mata. "Kailangan ko ng simulan ang plano ko bukas. Ipapadala ko na lamang ang red wine sa messenger namin papunta sa opisina ni Renzo." Nang wala na akong balak na kausapin ang tatlo sa group chat namin ay naisipan ko ng matulog. Balak ko kasing gumising ng mas maaga para makapag-work-out pa bago pumasok sa opisina. Kinabukasan ay nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Six o'clock lamang iyon kaya kahit mahapdi pa ang mga mata ko ay pinilit ko na ang sarili kong bumangon. "Good morning self!" nakangiti kong bati sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. Nagpalit na ako ng damit pang-ehersisyo. Isang sports bra at leggings ang isinuot ko. Dahil sa maaga pa ay naisipan kong mag-jogging na lamang sa oval na malapit sa aming subdivision. Mas gusto ko roon dahil sa walang sasakyan na makaaabala sa pagtakbo ko. "Good morning, anak! Ang aga mo atang nagising?" bati sa akin ni Mommy nang makita niya ako nito. "Good morning, Mom! Mag-jojoging lang po ako sa oval," tugon ko saka ko hinalikan sa pisngi si Mommy. "Mag-ingat ka, okay?" Ngumiti lamang ako at kinuha ko na ang susi ng aking kotse. Nasa gitna pa kasi ng village nakapwesto ang aming mansiyon kaya matatagalan ako kung maglalakad lang ako patungo sa oval. Kaya ko napagdesisyunan na magdala na lamang ng kotse. Pagdating ko sa oval ay nakita ko na may mangilan-ngilan na ring tumatakbo. Hindi naman exclusive sa amin ang oval dahil open ito sa iba pang subdivision na katabi namin. Nag-stretching muna ako ng katawan saka nagsimula ng mag-jogging. Dahil sanay naman ako sa exercise ay hindi kaagad ako nakaramdam ng pagod kahit na nakatatlong ikot na ako. Inorasan ko ang aking sarili. Dapat ay thirty minutes akong tatakbo ngunit sa pang-apat ko ng ikot ay bigla akong natapilok. "Ouucchhhh..." Napahiyaw ako sa sakit saka napaupo ako. Hinawakan ko ang aking paa ngunit kaagad ko ring binitawan iyon nang maramdaman ko ang tindi ng kirot. Para akong mapapaihi sa sobrang sakit. "Don't move!" narinig kong sabi ng isang baretonong boses. Nilingon ko ang lalaking nagsalita. At dahil nasa direksiyon siya ng sikat ng araw ay hindi ko siya namukhaan at nasisilaw ako. Nang nasa harapan ko na siya ay biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko na naramdaman ang pagkirot ng aking paa sa halip ay para akong mabingi sa lakas ng t***k ng aking puso. "Si Renzo Villar!" Hindi ko alam kung anong aking gagawin nang makompirma kong siya nga. "Kaya mo bang tumayo?" tanong niya sa akin. Parang musika sa aking pandinig ang kaniyang boses kaya hindi kaagad ako nakasagot. "Miss, are you okay?" muli niyang tanong sa akin. "H-ha? Ah, No! Ang sakit ng paa ko. Mukhang nabalian ata ako ng buto," tugon ko at ginalingan ko pa ang aking pag-arte kahit sa totoo naman ay masakit talaga. Hindi na ito nagsalita at binuhat na niya ako at dinala sa isang bench na nasa ilalim ng puno. "Grabe! Mala-prinsipe ang itsura niya sa malapitan," sabi ko sa aking isipan habang tinititigan ko ang kaniyang mukha. Nang ilapag na niya ako sa upuan ay tinanggal niya ang aking suot na sapatos at muli kong naramdaman ang pagkirot ng aking paa. "Just wait here and don't move. I'll just get some ice," seryoso ang mukha na sabi niya sa akin. "Is this our destiny?" tanong ko sa aking sarili. "Ganito na lang ba ang aming pagkikita? Kahapon nagkabanggan kami ngayon naman natapilok ako. Lord, sign na ba ito na siya na ang para sa akin? Ito na ba ang ibinibigay mo para ituloy ko na ang plano ko na gumawa ng first move?" "Hoy, gaga! Huwag mo ng idamay si Lord sa mga kalokohan mo. Kahit naman pigilan ka ay siguradong gagawin mo pa rin ang gusto mo. Baka gusto mo nang maghubad sa harapan niya para mas mabilis?" sabi ng isang bahagi ng aking isipan. Nagkaroon tuloy ako ng ideya na nagpangiti sa akin ng husto. Muli ko na namang nakalimutan ang kirot ng aking paa. "Tingnan na lamang natin kung hindi ka pa maaakit sa katawan ko, Renzo Villar." Inayos ko ang aking pagkakaupo para maging kaakit-akit ako sa paningin ni Renzo pagbalik niya. Nakita kong napatigil ito sa paglalakad nang mapatingin siya sa akin. "That's it, Renzo. That's it!" usal ko sa sarili at binigyan ko siya ng mapang-akit na tingin. "What are you doing?" tila galit na tanong niya sa akin. "H-ha? W-wala naman akong ginagawa ah?" painosente kong tanong sa kaniya. "I told you na 'wag kang gumalaw, 'di ba? Eh, bakit para kang may pictorial diyan?" inis niyang tanong sa akin. "s**t! Ang baba naman ng IQ nito. Hindi niya man lang na-gets ang gusto kong ipahiwatig sa kaniya. Impossible namang hindi siya natutukso sa katawan ko," maktol ko sa aking isipan habang naiinis ako sa kaniyang naging reaksiyon. Napangiwi ako nang hawakan niya ang aking paa at lapatan niya ng ice pack. "I think hindi naman napuruhan ang paa mo. Pero kailangan mo itong ipahinga. Baka kasi mamaga kapag ipilit mong ilakad," sabi niya sa akin. Naramdaman ko naman ang concern siya sa paa ko. Yes, sa paa ko lang! "I need to go to work. Pang second day ko pa lang ngayon tapos aabsent na kaagad ako? Hindi ko alam kung swerte bang matatawag o malas ang araw na ito," sabi ko sa aking isipan. "Wait, I think you're familiar to me," sabi niya sa akin nang titigan niya ako. Napangiti naman ako nang sinabi niya iyon. "Anne Marie Hernandez," banggit ko sa aking pangalan. "Yeah! Sa Japanese restaurant kahapon, right?" "Yes, ako nga!" todo ang ngiti kong tugon na para bang wala akong iniindang sakit. "So, taga-rito ka lang din ba?" "Yeah, sa Meadows." "Katabi lang pala ng subdivision namin. If you want, ihahatid na kita sa inyo. For sure ay hindi mo na kakayanin pang mag-drive if you brought a car," sabi niya sa akin. Naisip ko na hindi ito ang tamang pagkakataon na makilala niya ako na anak ng may-ari ng Hernandez construction kaya mabilis akong tumanggi. "I'm fine. Automatic naman ang car ko at kaya ko pa naman mag-drive. Can you just help me to get in my car?" "Sure!" Sinubukan kong tumayo habang inaalalayan niya ako ngunit napangiwi na naman ako sa sakit. "Maybe I'll just carry you. Saan ba naka-park ang kotse mo?" There! " tugon ko sabay turo sa aking kotse. Binuhat na niya ako at muli kong ipinulupot ang aking mga kamay sa kaniyang leeg. Sa lapit ng aming mga mukha ay naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Habang tinititigan ko siya ay hindi ko man lang nakakitaan na nabibigatan siya sa akin. Pakiramdam ko nga ay tila ba papel lang ang bigat ko sa kaniya. "Thank you!" nakangiti kong sabi nang mailapag na niya ako sa loob ng aking kotse. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti na labas ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin. "s**t! Nakakabasa talaga ng panty ang kaguwapuhan niya," sabi ko sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD