"What happened to you?" puno ng pag-aalala na tanong sa akin ni Mommy nang lapitan nila ako sa kotse ni Yaya Sonia.
Tumawag na kasi ako bago pa man ako umuwi kay Yaya para maalalayan niya ako papasok ng bahay.
"Natapilok po ako, Mommy. Hindi ko po kasi napansin na may lubak pala sa oval."
"Halika na at dadalhin na kita sa hospital. Baka mamaya eh nabalian ka na ng buto."
Halos mataranta si Mommy at hindi na alam kung anong gagawin.
"Mom, relax! I'm fine at hindi naman kailangan pang dalhin ako sa hospital. Hindi naman po matindi ang pagkakatapilok ko. Ipapahinga ko na lamang po ang paa ko. I'll just call my teammates at mag-work from home po muna ako," nakangiti kong sabi kay Mommy para mabawasan ang pag-aalala niya.
"Are you sure? Baka mamaya eh, mamaga pa 'yan. Mas mabuting ma-x-ray iyan to make sure na hindi naapektuhan ang buto mo," pagpupumilit sa akin ni Mommy.
Hindi na ako nakipagtalo pa kay Mommy. Nag kibit-balikat na lamang ako at huminga ng malalim. I can't blame her kung gano'n na lang siya ka-protective sa akin dahil nga sa nag-iisang anak ako. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at lumabas na ako. Inalalayan naman ako ni Yaya Sonia papasok ng bahay habang si Mommy ay nakasunod sa amin. Naupo muna ako sa sofa at ipinatong ko sa maliit na upuan ang paa kong natapilok.
"Yaya, can you get me some ice?"
"Sige, Senyorita."
Pagkaalis ni Yaya ay tumabi sa akin si Mommy at muli na naman niyang sinasabi ang tungkol sa pagpunta sa hospital.
"I'm so worried about you, Hija. Kaya sana sumama ka na sa akin sa hospital para makampante na ako. We're not sure na okay lang ang paa mo unless matingnan ng Doktor. Please, anak," pakiusap pa sa akin ni Mommy.
Naisip ko na hindi rin naman titigil si Mommy kaya pumayag na ako. Napangiti naman ako nang makita ko ang saya sa mukha niya.
"Yaya, pakikuha nga ng damit si Anne. Dadalhin natin siya sa hospital. Pakisabi na rin kay Luis na ihanda na ang sasakyan."
"Sige ho, Senyora.
"Where's Dad, Mom? Hindi ko pa kasi siya nakikita na bumaba."
"Maagang umalis ang Daddy mo at may iinspeksiyuning project. Ako na ang bahalang magsabi sa kaniya na hindi ka makakapasok sa opisina."
"Napaka-workaholic talaga ni Daddy," usal ko sa sarili.
Ilang saglit lang ay bumaba na si Yaya Sonia dala ang aking binihisan. Inalalayan niya uli akong magtungo sa powder room para makapagpalit ng damit. Pagkabalik ko sa sala ay nakabihis na rin si Mommy.
Habang nasa biyahe kami patungo sa hospital ay maisip kong tawagan si Karen. Siya ang naisipan kong utusan na magdala ng wine sa opisina ni Renzo.
"Good morning, Miss Heiress! What can I do for you?" masigla niyang bati pagkasagot sa tawag ko.
"Good morning! Ah, Karen, can you come to our house later? Ipapasundo kita sa driver namin pagkagaling ko sa hospital. May ipapagawa lang ako sa'yo."
"H-hospital? B-Bakit sino ang na-hospital?" natatarantang tanong niya. Natatawa naman ako habang ini-imagine ko ang itsura ni Karen.
"Huwag ka ngang OA. Natapilok lang ako at hindi naman grabe. Pakisabi na rin kay Miss Trinidad na hindi muna ako makakapasok. Send niyo na lang sa email ko ang mga documents na kailangan kong gawin at pag-aralan," bilin ko sa kaniya.
"Hai salamat naman. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo. Okay, Madam! See you later."
Pagkatapos kong makausap si Karen ay sakto namang nasa hospital na kami. Malapit lang kasi sa village namin ang pinakamalaking hospital sa aming lugar. Isinakay ako sa wheelchair habang si Mommy naman ang abala sa pakikipag-usap sa Doktor. Napapangiti na lamang ako habang tinitingnan siya. Sa kilos kasi ni Mommy ay para bang may malubha akong sakit.
Tulad ng palagi kong sinasabi na hindi ko siya masisisi dahil sa unica Hija nga ako. Noon pa man ay ganiyan na siya ka-praning kahit simpleng lagnat lang ang meron ako.
Pina-x-ray ang aking paa at makalipas lamang ang tatlumpong minuto ay lumabas na ang resulta.
"Wala namang major injury akong nakikita. Medyo nalamog lang ang tissues ng paa mo kaya masakit. I'll just give you a pain reliever. Huwag ka na rin munang magsuot ng high heels para makapagpahinga ang ankle mo," sabi sa akin ni Dr. Valdemar.
"Thank you po, Dok!"
Nauna na akong isinakay sa sasakyan habang inaayos ni Mommy ang bills sa hospital.
"Its good to know na hindi malala ang nangyari sa'yo, HIja. Makaka-relax na ako nito," sabi sa akin ni Mommy habang pauwi na kami.
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Mom, I told you naman na I'm fine pero ayaw mo pa ring maniwala sa akin."
"Masyado lang talagang OA ang Mommy mo," malambing na sabi sa akin ni Mommy saka nagkatawanan kaming dalawa.
Bigla ko tuloy naisip ang mga panahong hindi pa ako nag-aaral sa States. Madalas kaming magkasama ni Mommy. Pumunta ng mall at mag-shopping, magpa-salon at spa pati na rin manood ng sine. Kahit gaano siya ka-busy, palagi niyang sinisiguradong may oras pa rin siya sa akin. Lalong-lalo na kapag may mga events sa school na kailangang kasama ang parents. Hinding-hindi siya nawawala sa mahahalagang araw sa buhay ko. At doon ako proud sa kaniya.
"Doon ka na lang muna sa kuwarto mo at ng makapagpahinga ka. Pahahatiran na lang din kita ng pagkain kay Sonia," sabi sa akin ni Mommy pagkarating namin sa mansiyon.
"Okay po, Mommy. Paakyatin niyo na lang din po si Karen kapag dumating na siya," bilin ko naman.
Mag-isa na akong umakyat sa kuwarto dahil naihahakbang ko naman na ang aking paa pagkatapos umipekto ang pain reliever na ininom ko. Humawak na lang ako sa hand drills ng hagdan at dahan-dahan lang ang ginawa kong paghakbang.
Muli akong nahiga sa aking kama habang hinihintay ang pagdating ni Karen. Ngunit hindi ko mapigilan na mapangiti nang maalala ko ang nakangiting mukha ni Renzo.
"How come na wala pa siyang girlfriend sa itsura niyang iyon? O baka ako lang talaga ang hinihintay niya? Just wait, Renzo at ipapakita ko sa'yo ang kamandag na meron ang isang Anne Marie Hernandez," sabi ko sa aking sarili habang nag-iisip ng plano kung paano ko iyon gagawin.
Nang makaramdam na ako ng pagkainip ay bumaba ako at nagtungo sa wine cellar para kunin ang wine na ibibigay ko kay Renzo. Inilagay ko iyon sa paper bag saka muli akong umakyat sa kuwarto. Mabuti na lang at wala si Mommy sa sala ng dumaan ako. Kumuha ako ng maliit na papel at nagsulat ako ng maiksing message saka idinikit ko sa bote ng wine. Nilagyan ko pa ng ribbon ang paper bag para naman maging presentable iyon tingnan.
"Let's see kung hindi ka madadala rito, Renzo," sabi ko sa aking sarili habang tinitingnan ang paper bag.
Narinig ko ang katok sa pintuan kaya mabilis kong tinakpan ng unan ang paper bag. Iniisip ko na baka si Mommy o si Yaya ang kumakatok.
"Pasok!"
Pumihit ang door knob at nakita ko ang nakangiting si Karen nang magbukas iyon.
"Okay ka lang?" bungad na tanong niya sa akin.
"I'm fine," tugon ko naman sa kaniya.
"Grabe, mas malaki pa sa bahay namin ang kuwarto mo. Saka ang buong bahay niyo siguradong maliligaw ako kapag mag-isa lang akong iikot," sabi niya habang nakatingin sa kabuuan ng aking kuwarto. Hindi maitago sa kaniyang reaksiyon ang pagkamangha sa nakikita.
"Blessed lang!"
"Ang sabihin mo, super blessed. Bakit mo nga pala ako pinapunta rito?" tanong niya sa akin pagkatapos ko siyang paupuin sa couch na katabi lang ng aking kama.
"May ipapagawa sana ako sa'yo."
"What is it?"
Tumikhim muna ako para matanggal ang bara sa aking lalamunan. "Ahmm, can you go to Renzo's office?"
"Y-you mean si Sir Renzo Villar? Bakit?"
Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Karen.
"To give this!" tugon ko sabay taas ng paper bag na may lamang wine.
"B-bakit mo naman siya bibigyan ng red wine? Kayo, Miss heiress ha? Mukhang may secret kang ginagawa na hindi namin alam."
Nakangiti ngunit puno ng kalokohan ang mga tingin sa akin ni Karen.
"Gaga! Gusto ko lang naman magpasalamat sa kaniya dahil sa pagtulong niya sa akin kanina. Saka sinabi rin ni Daddy na kailangan ko siyang makilala dahil sa business."
"Ouchh!" malungkot na sabi ni Karen sabay hawak sa dibdib niya.
"What's wrong?"
"Paano, may pa-red wine ka sa kaniya pero ako hindi ko man lang afford ang ganito kaya wala na talaga akong pag-asa na magustuhan niya ako," kunwaring umiiyak na sabi niya sa akin.
"Naku tigilan mo na ang pagda-drama. Personal mo itong iabot sa kaniya para makaharap mo siya. O 'di ba binigyan pa kita ng pabor."
Biglang namang lumiwanag ang mukha ni Karen nang marinig ang sinabi ko.
"Talaga? Paano kung ayaw akong payagan ng sekretarya niya na makaharap siya?"
"Sabihin mo lang ang pangalan ko," sagot ko sabay kindat kay Karen.
"Grabe, baka hindi ako makatulog kapag nakaharap ko na si Sir Renzo. Sana makakapagsalita pa ako. Nakikita ko pa nga lang siya sa opisina ay para na akong maiihi sa kilig. Paano na lang kung kakamayan pa niya ako? Baka hihimatayin na ako," ani Karen sabay tirik pa ng mga mata. Natawa naman ako sa mga pinagsasabi niya.
"Just make sure na maiabot mo muna sa kaniya ang wine bago ka himatayin. Baka mabasag ito at siguradong hihimatayin ka talaga kapag nalaman mo ang presyo ng wine na ito."
"Bakit, magkano ba ito?" biglang seryosong tanong niya sa akin.
Pinalapit ko siya saka ibinulong ang halaga ng red wine. Nanlaki ang mga mata at napaupo naman siya na parang nanghihina ang mga tuhod nang marinig iyon.
"P-pwedeng iba na lang ang utusan mo? Baka kasi ma-holdap ako kapag may makaalam na may bitbit akong red wine na milyones ang halaga. Please, Miss Heiress. Sa iba mo na lang ito ipagawa. Kahit kasi magkandakuba na ako sa pagtatrabho sa kompaniya n'yo ay siguradong hindi ko mababayaran ang halagang ito." Todo ang pakiusap sa akin ni Karen ngunit tinawanan ko lamang siya.
"Ano ka ba? Sa tingin ko hahayaan kitang mag-commute? Ipapahatid kita kay Mang Luis saka wala namang makakaalam sa halaga ng wine kung hindi mo ipagsasabi. Kaya ko lang naman sinabi sa iyo ay para ingatan mo na 'wag mabasag. Don't worry at babayaran kita kapag nagawa mo ito."
"Magkano?" tanong niya sabay lumiwanag muli ang mukha.
"Nagpapahalata ka talaga ano? Ililibre na lang kita sa spa at salon na pupuntahan ko sa Friday after ng office. Ano, deal?"
"Deal!" tugon niya saka nagkatawanan kaming dalawa.
Hindi ko muna pinaalis si Karen at nagpaakyat ng breakfast si Mommy kay Yaya Sonia. Pinakain ko na muna siya saka kami patuloy pa na nagkuwentuhan. Kahit na bago pa lang kaming magkakilala ay magaan na kaagad ang loob ko sa kaniya. Masayahin kasi siya saka may pagkaprangka rin na siyang gustong-gusto ko. In short hindi siya plastic.
"Sige na, ikuwento mo na sa akin kung paano kayo nagkakilala ni Sir Renzo," pagpupumilit sa akin ni Karen habang kumakain kami.
"Don't ever try to tell anyone, okay? Kapag kumalat ito sa opisina ipapatanggal talaga kita," pabiro kong banta sa kaniya.
"Hindi ako tsimosa 'no? Mas mapagkakatiwalaan mo pa ako kesa kina Juvy at Lester. Promise!"
"Sure ka? Eh, puro ikaw nga ang pasimuno ng tsismisan sa gc. Akala mo siguro hindi ako nagbabasa."
"Miss Heiress, iba naman ang pinag-uusapan namin doon. Kapag kasama sa Team syempre abswelto. Kaya sige na, share mo naman sa akin. Gusto kong kiligin bago ko pa makaharap si Sir Renzo."
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang magkuwento.
"Well, we bumped each other sa restaurant yesterday. Tapos kanina magkasabay din kaming nag-jogging. He helped me nang makita niyang natapilok ako."
"What? Nasa restaurant din siya kahapon? Bakit hindi mo sinabi sa amin? Ikaw ha," tila nagtatampong tanong niya at umismid pa siya.
"It's just an accident. Saka ano naman ang sasabihin ko sa inyo? Like, guys, nakabanggaan ko pala ang crush n'yong si Renzo Villar, gano'n ba?" maarte kong sabi sabay irap kay Karen.
"Okay, fine! Eh, 'yong kanina, anong feeling mo nang buhatin ka niya?" tila kinikilig na tanong niya sa akin.
Syempre hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya ang tunay kong nararamdaman at ang plano ko sa binata. Ayoko rin namang matawag na cheap at desperada lalo na at ako pa ang gagawa ng first move.
"Okay lang naman. Syempre thankful ako at may tumulong sa akin," tugon ko na parang wala lang sa akin.
"Hindi ka man lang ba kinilig?"
Nagkibit-balikat lang ako.
"Jusko, Miss Heiress! Bakit mo naman sinayang ang pagkakataon? Alam mo ba kung ilang babae ang nagkakandarapa sa kaniya? Na kahit masulyapan man lang o kaya ay mangitian ay sapat na?" ani Karen sabay iling. "Destiny na ang lumalapit sa inyo," dagdag pa niya.
"Why should I do that? I'm not desperate no," pagsisinungaling ko sa kaniya. "Kung alam mo lang," sabi ko naman sa sarili ko.
"Kunsabagay, bakit ka nga naman maghahabol? Ikaw dapat ang hinahabol ng mga lalake. Siguro kung katulad ni Sir Renzo ang makakatuluyan mo, ikaw na ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa. You'll have everything na wish ng lahat ng kababaehan!"
"Malapit nang mangyari 'yan," sabi ko sa aking isipan.
Hindi naman sa desperada ako kay Renzo. Ako kasi ang taong kapag may gusto ay hindi na ako nagpapatumpik-tumpik pa. Palagi ko ngang sinasabi sa sarili ko na you only live once saka nasa huli ang pagsisisi at ayaw kong mangyari 'yon sa akin. I want Renzo Villar at gagawin ko ang lahat mapasaakin lamang siya.