"Sir, may taga-Hernandez Construction na gusto kayong makausap ng personal," sabi sa akin ni James na siyang Personal Assistant at Secretary ko. Kasalukuyan akong nasa loob ng aking opisina at abala sa mga dokumento na kailangan kong pirmahan. "Is it urgent?" tanong ko na hindi man lang magawang tingnan si James. Simula nang maging CEO ako ng aming kompaniya ay wala akong oras na sinasayang lalo na kapag maraming papel na nakapatong sa aking mesa. Para sa akin pagdating ng oras ng trabaho ay kailangan kong magtrabaho. "Kailangan daw na personal kang makausap. Si Miss Anne Marie Hernandez daw ang nagpapunta sa kaniya." Naibaba ko bigla ang hawak kong ballpen nang marinig ang sinabi ni James. "Anne Marie?" tanong ko habang inaalala ko kung saan ko ba narinig ang pangalang iyon. "

