"Naibigay mo ba ng personal ang wine kay Renzo?" tanong ko kay Karen nang mag-text siya na pabalik na siya sa opisina. Kaagad ko siyang tinawagan dahil sa nababagalan ako sa text. "Yes, Miss Heiress. Grabe, nangangatog ang tuhod ko nang makaharap ko siya. Pakiramdam ko ay hihimatayin na ako kapag nagtagal pa ang pag-uusap namin," kuwento ni Karen na halata ang kasiyahan sa tono ng boses niya ngunit hindi ako interesado sa sinasabi niya. "Anong sabi niya about sa wine?" sa halip ay tanong ko. "Wala except sa thank you!" "Gano'n lang? Hindi ba niya kaagad binuksan?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking boses. Hindi ko kasi nagustuhan ang aking narinig. "Pinalabas niya na kasi ako," mahina ang boses na tugon ni Karen sa kabilang linya. Natauhan ako bigla kaya huminga muna ako

