Chapter 8

1119 Words
Matapos kong palitan yung dalang gamit ay umalis na ako sa bahay para bumalik sa Resort. Kahit medyo nakakapagod kung iisipin pero umurong yung pagiging tamad ko nung makita si Warren roon. Sana naman makapag- usap na sila nang maayos para man lang kay Jasper. "San punta mo Ineng?" Nahinto yung mga naiisip nung marinig ang boses ng kung sino. Si Manong Driver pala na naghatid rin sakin kanina mukhang babalik rin ito sa bayan. "Sa Resort ulit Manong" "Balik trabahao agad? Oh siya, pero may dadaanan lang tayo sa kabila ha?" Tinanguan ko lang ito bilang pagsang ayon at dumiretso na sa harap dahil wala namang ibang pasahero sa tricycle. Matumal yung sasakay mula dito sa Baryo Andres kaya't tamang antay ka talaga bago makarating ng Bayan. Nakarating kami ng Bayan na tatlo lamang ang pasahero kung di bababa may bagong sasakay naman. "Usog ka Ineng, tamang tama andito rin yung nobyo mo" Kunot noo kong tiningnan ang tinutukoy ni Manong Driver, mukhang babalik narin sa Resort ang bisita naming nakasabayan ko rin kanina. Nakakahiya naman sa kaniya at nagawa pa kaming ipagpares ni Manong. Pero sa dami ng pwede niyang masakyan ba't dito pa? "Bisita po namin siya sa Resort, may nobya na po yan" Tumango tango ito at hinintay na makalapit yung gwapong lalaki, may bitbit pa itong supot na mukhang naglalaman ng prutas. Napayuko ako nung tumabi ito sa harapang gawi ng tricycle. "Ikaw pala yan Iho, babalik ka rin ng Resort?" Dahan dahan kong tiningnan si Manong na nakangiti pa. Nagkunwari itong hindi niya namukhaan kanina ang lalaki. Ayokong maging sagabal sa kasiyahan niya lalo pa't buong araw yata itong nagtatrabaho pero nagawa niya paring maging masaya. "Yes Manong, buti natandaan niyo pala ako" "Oo naman, magkasabay lang kayo nitong si Ineng na kasama mo kanina. Babalik rin dun" Pumikit ako sa mga narinig, tila pinaglaruan ako nitong si Manong Driver ngayong araw buti sana kung di niya pinaalala sakin na itong katabi ko yung nagbayad ng pamasahe kanina. Tuluyan ng umandar ang tricycle pero yung diwa ko hindi parin mapakali dahil sa lalaking katabi. "Are you alright, Miss?" Ayan na nagtanong na. Sinubukan kong maging kalmado dahil napaghalataan yata ako. "Ah oo" Mahina kong sambit. "Taga saan ka nga pala Iho? Bago ka lang ba dito?" Biglaang tanong ni Manong sa lalaking katabi, medyo nakahinga ako nang maluwag dahil nakuha nito ang atensyon ng lalaki. "Yeah for vacation lang po, I'm from Asuncion malapit lang sa City" Lumipas ang ilang minuto sa patuloy na pakikipag usap ni Manong habang na sa biyahe hindi na ako nailang hanggat sa makarating na kami. "Dalawa" Bigay ko ng bente sa Driver na agad niya ring ikinangiti, bago paman ako maunahan nitong katabi. "Salamat suki, ingat kayo" "Wait, did u pay for me? Bakit?" Tanong ng katabi na ikinalingon ko sa kanya, kung nasa gilid lang ako hindi ko na to aabalahin pang sagutin at umalis na dahil alam naman niya kung bakit. "Binayaran mo'ko kanina" mahinang sagot ko. "Kahit na, I'll pay for us instead" Hindi ko alam kung maiinis ba ako, matutuwa o kikiligin sa sinabi nito. Hindi na ako nagsalita at tiningnan ang driver kung tatanggapin ang perang ibinayad. "Mga kabataan talaga oo, ibabalik ko nalang tong bayad mo Ineng at baka magalit pa tong Nob--" "Di ko nga po sya nobyo, babayaran ko yung sakin" "For two manong" Kunot noo ko siyang nilingon, di ko mabasa ang reaksyon ng lalaki. May parte sa sistema na umatras dahil sa kagwapohan nito. Di pa naman ako sanay na may katitigan na ganto yung hitsura. "Aba'y sasakit tong ulo ko sa inyo, dito nalang kayo sasakay sa susunod at di na kailangan ng pamasahe" "Pasensya na po, salamat uli" Pagpapaumanhin ko kay Manong at hinintay na lumabas tong katabi pero di niya yata na gets. "M-makiraan lang" wika ko tsaka pa siya umunang lumabas ng tricycle. Nung makaalis si Manong ay tiningnan ko ang lalaki na sa gawi ko rin pala ang tingin. Ano kayang pinag iisip nito, inunahan ko na siyang umalis sa daan at naglakad papasok ng resort. "Hey" Hindi pa siguro umabot ng isang minuto nung makapasok sa gate pero may tumabi na agad sa gawi ko. Kahit di ko tingnan alam ko na agad kung sino iyon dahil sa pabango nito. "You're Mich right? Yung kanina sa pool?" Agad akong napahinto at inalala yung mga nangyari, nakakainis! Naalala niya pala talaga. Humarap ako sa kaniya at agad yumuko. "Di ko po sinasadya yun sir, di na mauulit" Ano ba tong pinasok mo Michel? May nakaalala nga pero lutang ka naman nung oras na yun. "Why are you apologizing?" Tiningnan ko na ito ng tuluyan at pinagpatuloy ang paglalakad. Medyo may kalayuan pa naman yung room na pupuntahan ko mula dito sa entrance, buti sana kung work yung pinunta ko at pwede nang dumiretso sa may pool area. "Di napo talaga mauulit Sir" Nginitian ko siya ng pilit at nauna nang maglakad diretso sa may beach. Tanaw ko ang palayong imahe ng araw, palubog na ito dahilan para mas nakakaakit tingnan ang langit. Kung sa bayan halos dumidilim na pero dito sa dagat aabutin pa ng isang oras. Napakapit ako ng mahigpit sa strap ng bag at dahan dahang lumapit sa dalampasigan, kaonti nalang ang mga tumatambay dito. Halos yung mga naka check in lamang sa resort yung mahilig magpalipas ng gabi sa dagat dahil hindi na nila poproblemahin pa kung saan tutuloy sa gabi. Mamaya nalang siguro ako maghanap ng kwarto para ngayong gabi, mas nakakatipid kasi dito sa may beach area dahil hindi ganun ka exclusive kung ihahantulad sa nakasanayan kong linisan. Nagulat ako nung marinig ang kakaibang tunog, hinanap ng tenga ang pinanggalingan nito pero sadyang malikot ang mata at iba ang nakita. "Sorry for invading your privacy, masyadong lang maganda tingnan" Itinaas nito ang camera na nakapulupot sa gawing leeg, wala na itong dala supot ng prutas mukhang nakauwi na nang kwarto na tinutuluyan niya. Ibinalik ko ang tingin sa pausbong na araw at hinayaan ko siyang tumayo sa tabi. "Okay lang sir, bisita naman kayo dito" Sagot ko. Pinagpatuloy niya yung pagkuha ng letrato, hindi ko maintindihan kung bakit hindi nalang siya tumingin sa mismong araw. "You know why I love sunsets?" Natigilan ako sa tanong, naalala ko si Mia sa kanya. Nakakahanga yung taong marunong gumawa ng eksplenasyon sa mga di maipaliwanag na bagay. "Bakit po?" "She didn't know she's beautiful" Kumurba yung ngiti sa labi pero pinigilan ko agad at baka mapansin ng katabi. Agad akong natahimik at pinagmasdan lalo ang pagtatagpo ng dagat at kalangitan. "Paano niyo naman po nasabi yan sir?" "Someone beautiful wanted to be seen, while sunset prefers darkness all the time"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD