Chapter 9

1130 Words
Hindi ko alam pero tila nakaramdam ako ng lamig sa mga narinig, hindi ko man lubusan naintindihan pero tama naman yung sinabi niya. Nagpatuloy sa pag ingay ang mahihinang tunog ng camera, habang mas lalo kong pinagmasdan ang ilaw mula sa karagatan. "Wala pong mas gaganda sa natuklasan ng mga mata, ba't niyo pa po siya kinuhanan ng letrato?" Natahimik ito kaya't nilingon ko siya sa takot na baka hindi nito nagustuhan ang mga narinig. "For the sake of memories, Mich" Tumango ako sa sagot, di narin nag aksayang kumontra. "Sige po, sir. Enjoy kayo dito" Nakayuko kong sambit sa kanya at balak na sanang umalis roon. "It's Yves" "Yves" ulit kong sambit sa pangalan niya. "Tsaka paki tanggal nung Sir hindi bagay sakin" Di ko mapigilang mapangiti. Hindi ko alam pero nakakapanibagong may lalaking ayaw tinatawag na ganun. Kung sa Baryo Andres pa yun, baka napaaway na kung di mo matawag nang maayos ang isang taong may napapatunayan. Hinarap nito ang camera at huli na nung malamang nakuhanan ako ng letrato. "Burahin niyo po, siguradong pangit yung mukha ko" Hindi ito natinag sa sinabi ko at nakatutok lang ang tingin sa camera, mukhang pinanood yung resulta ng letrato. "Do you love sunrise?" Tanong niya na hindi parin humahumarap sakin. Ano na kayang naiisip nito sa hitsura ko, malamang kung ano anong kapangitan ang sumasagi sa isip. "Yes? Do you love sunrise, Mich?" Ulit niyang tanong, siniguradong nariring ko iyon. "Oo naman, pakibura nalang oh" Pakikipag usap ko sa kanya. Hindi na ito sumagot at pinagpatuloy ang pagkuha ng letrato pero ngayon nasa dagat ang atensyon. Tsaka ito lumingon sakin pero iniwas na yung camera. "You need to wait for your sunrise, Mich. You really have to" Naiwan akong tulala sa huling sinabi ng lalaki este ni Yves. (You need to wait for your sunrise, Mich. You really have to) Ulit ng boses nito sa isipan, mukhang ginawa pa akong araw sa sinabi niyang yun. Tanaw ko siyang nagpatuloy sa paglakad lakad sa may dalampasigan habang seryosong nakatoon ang atensyon sa hawak na camera. Mas lalo tuloy akong nahiya dahil sa mga letrato nitong nakuha, ano na kayang naging hitsura ko dun. Sumapit ang gabi nagawa ko nang maghapunan at magpahinga sa kwarto kung saan ako namamalagi pero yung isip ko naglakbay sa bahay at kalagayan nina Mia at Jasper. Nagdadalawang isip akong tumawag at baka makadistorbo sa mga yun. Hindi ako mapakaling mapatitig sa kisame hanggat sa naisipan kong lumabas. Mag aalas dyes na yata dahil sa lamig na sumalubong sakin. Kaonti nalang yung tao sa resort pero sigurado akong may iilan pang naglakbay sa tabing dagat at sa iilang matatambayan dito. Kakalabas ko lang ng pinto nung sabay kaming nagkatinginan ng babaeng papasok palang ng kabilang kwarto. Natulala ako sa natunghayan dahil ibang iba yung hitsura niya ngayon, may kolorete sa mukha, manipis na soot na halos kita na yung dibdib at maging ang makinis na hita nito. "A-andrea" sambit ko. Maging ang babaeng katrabaho ay di rin inasahan ang pagtatagpo namin, ilang sandali pa ay may palapit na lalaking may katangkaran, mukhang may lahi ito dahil sa makintab na kulay ng buhok. "Honey, why are you still outside?" Lapit nito kay Andrea, parang wala ako sa sarili na pinagmasdan ang kilos ng lalaki lalong lalo na nung nilapit nito ang mukha sa gawing tenga. Hindi natanggal yung pagtitig ko sa babae na ganun rin sakin. Hinayaan niya lang ang lalaking nasa likod na kung saan saan na napupunta ang kamay sa parte ng katawan nito. "Honey? Shall we?" Napaiwas ako nung masyado nang maselan ang ginagawa ng kasamang lalaki. "Hmmm?" Ulit nito. "Yes, Hon" Rinig kong sagot ni Andrea tsaka sila tuluyang pumasok ng kwarto. Tila naiwan akong tulala sa mga nangyari, madaming katanungan sa isipan ang lahat nang natunghayan ko ngayong gabi. Boyfriend niya ba iyon? Wala akong nabalitaang may lahi pala ito. Nahinto yung pag iisip nung makarinig ako ng ingay sa kwarto. Anong nangyayari dun? Di ko mapigilang lumapit sa pinto at sinusubukang alamin ang mga kaganapan. Natatakot ako para kay Andrea, pero ganun na lamang akong napaiwas nung makarinig ng ungol mula roon. Kasabay nun ay ang paghablot ng kung sino mula sa kinatatayuan ko at dinala ako sa gilid na parte ng daanan. Agad niya akong binitawan kaya't ramdam ko ang higpit ng pagkahawak nito. "Ano ba sa tingin mo yung ginagawa mo?" Hindi ko inasahang makita muli yung lalaking nakasabayan ko na nagtatrabaho sa pool area. Hindi na ito naka uniporme pero nangingibabaw ang nanlilisik niyang mga mata. "B-bakit? Hindi ko naman shift ngayon" Mahinahon kong paliwanag kahit medyo nakakatakot ang tingin nito. "Kung ganun bakit ka nandito? Hindi ba dapat nakauwi kana? Bawal ka dito" Kumunot yung noo ko sa narinig. Paano naman ako naging bawal dito sa resort? Dahil ba alipin lang ako sa umaga? "Baka ibang tao yung tinutukoy niyo" tumalikod na ako sa kanya at balak na sanang bumalik sa kwarto pero hinablot niya ako ulit. Mas malakas pa kanina ang pagkahawak nito sa papulsohan kaya't nakaramdam ako nang sakit. "Ba't ba ang tigas ng ulo mo?" "M-masakit sandali yung kamay ko" Pilit kong tinanggal ang pagkagapos ng kamay nito sakin pero masyado siyang malakas. "What's going on here?" Sabay kaming napatingin sa lalaking palapit, diretso ang tingin nito sa nakahawak na kamay ng lalaki sa palapulsohan ko. Agad niya itong binitawan kaya't nakahinga ako nang maluwag. "Wala sir, may kailangan po kayo? Tatawagan ko--" "No, it's okay" "Sige po" Yumuko yung lalaki at agad tumingin sakin, masyadong mabigat ang mga matang iyon kaya't nakaramdam ako ng kaba. Umalis ito agad na sinundan ko ng tingin, pilit kong ginalaw yung mahigpit niyang paghawak sa kamay ko. Pakiramdam ko napaso ako sa ginawa niya. "What happened?" Tanong ni Yves, naibaling ko ang atensyon sa kanya na mukhang nasa kamay ko nakatutok. Tinago ko ito sa likod kaya't nagtama yung tinginan namin. "M-may kailangan po kayo sir?" Pag iiba ko nang usapan. "Show me your wrist" Wika nito, mukhang nakita niya lahat ang mga nangyari. Itinaas ko ang kabilang kamay na hindi hinawakan nung kasamahang lalaki. Pero tinitigan lang ako ni Yves, napayuko akong hinarap ang nakatagong kamay sa likod. Agad niya itong kinuha na binawi ko agad dahil hindi ako sanay na nahahawakan. "Is he your boyfriend? Ba't ka niya sinasaktan ng ganito?" Napangisi ako sa sinabi niyang iyon, mukha ba akong magkakaroon ng boyfriend? "And now you're smiling, you're too young for this Mich" Nginitian ko lang siya at inunahang maglakad pabalik ng kwarto. Binabagalan ko ang paghakbang pero mukhang mas lumala yata ang kaganapan sa kwarto kung saan naroon si Andrea at ang nobyo nito. Magkasunod na ungol ang naririnig ko kaya't binilisan ko ang paglakad at hindi na muna pumasok kahit balak ko nang magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD