"What the hell was that?" Tumalikod ako nung marinig ulit ang boses ni Yves.
"Andito pa pala kayo Sir?"
"I told you Mich, It's Yves"
Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad malapit sa dalampasigan. May iilang upuan dito na gawa sa malalaking kahoy, minabuting inilagay ang mga ito sa gilid para hindi gaanong problema sa mga naliligo sa dagat.
"It's my first night and I think I can't rest properly" Rinig kong sambit ng sumusunod sakin. Hindi ko alam kung bakit hanggang dito ay nakasunod parin siya.
"Hindi niyo po ba nagustuhan tong resort?" Wika ko at agad huminto sa isang tambayan. Hinawakan ko muna ang mesa kung nadaanan na ito ng ulan o wala para pwede nang maupuan.
"I mean, from what I heard a minute ago and from the couple I saw arguing" Napailing iling ako, akala niya talaga jowa ko yung lalaking unang kumausap sa kaniya kaninang umaga.
"Wala namang problema yun sir este Y-yves, basta okay yung pag stay niyo dito yun yung mahalaga" sagot ko sa kanya. Tanaw ko sa di kalayuan ang nakabukas na bilihan ng mga tumatambay rito sa dagat. Marami rami pa rin pala ang gising.
"I don't wanna ask but why are u two arguing?" Hinawakan ko ang kaliwang kamay, kaonti nalang yung sakit hindi kagaya kanina.
"Wala po yun, akala niya kasi hindi ako umuwi" Pagsisinungaling ko kahit hanggang ngayon di ko rin maintindihan kung bakit yun galit na galit sakin.
"He's too aggressive for that nonsense, is he a boyfriend or a husband? But you're too young to settle down" Tuluyan na akong napangiti dahil sa mga isinasagot niya. Sino ba naman kasing nagsabi sa kanya na boyfriend ko yung lalaking yun.
"Katrabaho ko lang po siya, hindi ko nga kilala yun" Bigla itong natahimik mukhang hindi inasahan ang sinagot ko.
Kanina ko lang nakasama sa trabaho yung lalaki pero paminsan minsan ko siyang nakikita sa resort. Hindi rin ako naging interesadong alamin ang pangalan nito kahit kapansin pansin naman sa uniporme namin ang mga pangalang nakadikit.
Nilingon ko ang gawi kung saan naroon ang matutuluyang kwarto. Tapos na kaya sila? Gusto ko nang magpahinga.
"I bet they're not done yet"
"Ha? P-paano mo nasabi?" Seryoso kong tanong kay Yves na agad niyang ikinangisi at napailing iling pa.
"Now, it's confirmed that the guy you were arguing with is not your boyfriend" Kumurba yung isa kong kilay dahil wala akong maintindihan.
"Obviously, you don't have one. Am I right?"
"Hindi ah" Kahit totoo naman yung sinabi niya nahihiya parin akong may makaalam. Lalong lalo na sa edad kong to, iniisip ng iba dapat nagkajowa na ako kahit isa man lang.
"If you really wanna rest peacefully, wait for atleast 30 minutes" Suhestiyon nito na andun rin ang tingin sa kwartong may kababalaghang naganap.
"Ba't mo alam tong mga to?" Ibinaling nito ang tingin sakin dahilan para mapaupo ako ng maayos. Hindi ko nga pala lubusang kilala tong si Yves. Hindi narin ako magtataka kung nagkaroon narin siya ng maraming girlfriends. Sa gwapong lalaki nito hindi na dapat itatanong ang mga gantong bagay.
"Maturity" Natahimik ako sa naging sagot niya, tila yata natamaan yung ibang parte ng isipan. Nagmumukha tuloy akong ignorante sa mga gantong bagay kahit tama naman.
Matapos ang halos isang oras na pakikipag usap ko kay Yves ay tuluyan na akong bumalik sa kwarto. Wala nang ingay na naririnig nung dumaan ako roon, hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ang mga kaganapan ngayong gabi lalong lalo na yung tungkol kay Andrea. Hindi ako makapaniwalang nakayanan niyang gawin ang bagay na iyon. Pero sabagay nasa tamang edad naman siya, pero kahit na ganun hindi ko parin lubusang matanggap. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin bukas. Ako yung nahiya lalo pa't narinig ko siyang sumigaw sa di kanais nais na paraan.
Nagising ako ng maaga sa di inaasahang oras, para yata akong tumambay lamang sa kwarto at umidlip bago bumalik sa trabaho. Matapos kong maayos ang lahat ng kailangan ay dumiretso na ako sa guest room kung saan naka abang ang mga kasama.
Ngumiti lamang si Grace na siyang unang nadatnan ko doon, kapwa kami tahimik habang hinihintay ang iba. Naalala ko yung mga natunghayan ko kagabi, gusto kong magtanong kung may alam rin ba siya pero di ko alam kung paano sisimulan.
"Musta Mich? Mas maaga ka yata ngayon?" Masiglang wika nito habang nakasandal malapit sa may pinto.
"Dito ako natulog eh, s-sa may beach area" Unti unting nawala ang pagngiti nito na di ko inaasahan. Sasagot na sana itong muli pero napatayo ito ng maayos nung sabay sabay na dumating ang tatlong kasama.
Iniwas ko yung mata kay Andrea, hindi ko alam pero sobrang tahimik namin sa kwarto hangga't sa tapos na naming naayos ang lahat at isa isang lumabas roon.
Gaya ng nakasanayan nasa likod ko uli si Grace pero ganun na lamang yung gulat ko nung pinahinto niya ako sa paglalakad, hinintay niya pang makalayo yung tatlo bago magsalita.
"Mich, may alam ka ba?" Prangkang tanong nito sakin, hindi ko masyadong naintindihan kung tungkol saan ang tinutukoy niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Inilibot muna nito ang tingin sa gawi kung saan naglalakad parin ang mga kasama.
"Sa kanila"
Natahimik ako tila yata ayaw pumasok sa isipan ang narinig. May kailangan pa ba akong malaman? Tungkol lang kay Andrea ang inakala kong itatanong nito pero kung kasama yung dalawa baka ibang usapan ang tinutukoy niya.
"Anong ibig mong sabihin, Grace?"
Tiningnan niya lang ako ng diretso, mukhang hindi inasahan ang naging sagot ko. Bigla itong natauhan na wala akong alam sa tinatanong niya kaya't napilitan itong ngumiti.
"Wala wala, tara na"
Agad na bawi nito at umunang naglakad, gusto ko mang magtanong pero nangingibabaw yung hiya na baka hindi ko nga yun dapat malaman. Sa gitna ng pagsunod ko sa kanya ay huminto ito ulit at humarap sa gawi ko.
"Ba't dito ka natulog kagabi? May problema ba?"
Ngayon unti unti ko nang naintindihan na meron nga talagang tinatago ang ilan sa mga kasamahan ko rito, siguro may kaugnayan sa lugar na yun kung saan may natunghayan ako kay Andrea kagabi.
"Wala naman, may bisita lang sa bahay kaya dito ako nagpalipas ng gabi".
"Ba't di mo sinabi sakin para dun ka nalang sa kwarto namin tumuloy?"
Pakiramdam ko kulang nalang makikita ko nang may galit si Grace sakin, gaya nung naging trato ng kasamahan naming lalaki kagabi. Kailangan ba dapat ipaalam ko pa sa kanila? Ano ba talagang meron dun?
"Grace, may dapat ba akong malaman? Kagabi pinagbabawal din akong pumunta nung lalaking taga pool area dahil dun ako tumuloy"
Luminga linga ulit ito sa paligid bago sumagot, hindi na namin tanaw yung tatlong umunang kasama panigurado iba ang iisipin ng mga yun.
"Mag usap tayo mamaya, basta umiwas ka nalang dun"